Isang cup ng kanin sa isang restaurant sa Baguio City, pumalo ng 70 pesos

Hindi maitago ng isang netizen ang pagkadismaya matapos niyang makita ang presyo ng isang cup ng rice sa isang restaurant na kanyang kinainan sa Baguio City.

Ayon sa netizen na tumangging pangalanan ay inakala niya na hindi lamang ang mga ulam ang magiging mahal sa kanyang kinainan na restaurant ngunit ng makita niya ang resibo matapos kumain ay nagulat na lamang siya sa presyo ng inorder niya na extra rice.

Makikita sa resibo na umabot sa 75-pesos ang kanyang inorder na isang cup ng rice.

dine in 1
Larawan mula kay Russel Simorio GMA

Hindi naman maitago ng mga nakakita sa istorya ng netizen ang madismaya sa nasabing restaurant.

“Anong resto ito pre? Para aware ang karamihan. Di makantarungan.” tanong ni netizen Poy Oma.

“Next time magbaon nalang sya ng sariling kanin sobrang mahal buti pa sana kung unlimited rice,” wika ni Charlene Manalastas.

“1 kilo 40 pesos malambot na yon 10 cup na rice na. Maawa kayo sa mga pilipino,” sabi naman ni Catherine Veloria.

rice 1
Larawan mula kay Russel Simorio GMA

Kung titignan ay mas mahal pa ang extra rice ng nasabing restaurant kaysa sa ilang kilalang restaurant sa bansa.

Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng tugon ang nasabing restaurant kung bakit ganoon na lamang kamahal ang kanilang extra rice.

Facebook Comments