Erwin Tulfo posibleng tanggal na bilang DSWD secretary dahil sa pagkakatalaga kay Edu Punay

Tila hindi na magiging kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mamamahayag na si Erwin Tulfo matapos siyang ire-appoint ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nitong Disyembre 27 ay kinumpirma na itinalagang officer-in-charge ng DSWD ang mamamahayag na si Edu Punay na isa ring kilala tagasuporta ni Marcos.

“This is needed to ensure the operations of the agency and that no activities will be derailed or hampered,” ayon sa pahayag ng DSWD.

edu punay 1

May ilang ulat naman na hinahanapan na ng bagong posisyon sa gobyerno si Tulfo kung saan ay hindi na ito kinakailangan pang humarap sa CA.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Tulfo na kasalukuyang naka-on leave tungkol sa pagkakatalaga kay Punay bilang kalihim ng DSWD.

 

Matatandaan na hindi kinumpirma ng Commission on Appointments (CA) si Tulfo dahil sa mga isyu na bumabalot sa pagkatao nito katulad na ang kanyang citizenship at ang conviction na kanyang kinaharap noong siya ay isa pa lamang mamamahayag.

Dahil sa ginawa ng CA sa kalihim ay hinimok ng kapatid nito na si Mon Tulfo na huwag ng yumakap pa sa nasabing posisyon.

“Bumitiw ka na bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development. If they don’t appreciate what you’ve been doing at the DSWD, why stick to your post like a ship barnacle?” ani Mon.

 

Facebook Comments