Unang araw ng Sim Card Registration, napuno ng aberya

Hindi naitago ng ilang phone owners ang madismaya dahil sa diumano’y hirap silang mai-rehistro ang kanilang mga sim card sa unang araw ng sim card registration nitong Disyembre 27, 2022.

Ilang netizens ang ibinahagi sa social media ang kanilang pagpaparehistro gamit ang mga link na ibinahagi ng mga telecommunications network sa social media.

Eto ang ilan sa mga problema na kinakaharap ngayon ng mga netizens:

1. Hindi naka-update ang registration link ng mga website na ibinahagi ng mga telecom.

Ilang netizens ang sinabi na kapag bumibista sila sa registration link ng Globe telecom ay hindi ito updated kaya’t hindi sila makapagpa-rehistro ng kanilang numero.

Fk9FHeqaEAAlRD2

2. Hindi tinatanggap ang kanilang registration.

Ilang netizens naman ang nakatanggap ng ilang problema kapag sinusubukan nilang i-rehistro ang kanilang mga numero.

Ilan sa mga problema ay ‘Too Many Request’, ‘null’, at ‘registration cannot be processed’.

322170093 680154403583717 4562311821278321035 n

322244239 536310368430149 7172710144197774816 n   321805018 886832518999876 8735777149929272024 n

Dahil dito ay may ilang netizens ang naubusan diumano ng kanilang data dahil sa paulit ulit nilang sinusubukan na magpa-rehistro.

“Lugi yung mga nka data lang sayang load kakapindot ng link takti nkailang load na ako makaregister lang,” ani netizen Cy Palmaira.

“PahiRaP lang po taLaga.. Bukod s mabagal at paikot ikot, lalo na s pag uploaD ng iD nag tyaga ako…taPos pag dating sa last steP ganito mang yayari’ nakaka D Tlaga promise bahala kau magalit sa akin,niMaL n yan..” wika ni ML ML.

Mayroon din namang matagumpay na nakapagpa-rehistro ng kanilang mga numero.

322375628 673316917835866 6648207368335653792 n

Mayroon din naman na hiniling na sana’y maging matyaga ang mga netizens dahil para rin sa seguridad nila ang sim card registration.

“Unang araw pa lang po kasi may mga developer or IT ang mga yan natural po yan sa umpisa konting tiis at tiyaga lang mga kaibigan lahat nmn yan ay maayos ang importante wala ng makapanloko gamit ang simcard malaking panalo ito sating lahat.” sabi ni Chris Paredes.

Naglabas naman ng pahayag ang mga telecommunication companies at sinabi na sobrang dami ang sinusubukang magparehistro kaya’t nagkakaproblema ang kanilang mga servers.

“Due to high volume [of] registrants some subscribers may experience difficulty accessing the SIM registration site.” sabi ng Smart.

“Our technical team is working on increasing capacity.” dagdag pa nila.

Samantala ay sianbi naman ng Globe na isinara muna nila ang registration site nila upang ayusin ang aberya.

 

Facebook Comments