Eraserheads reunion concert, ginastusan ng P275-M ng mga promoters, Ely Buendia mas malaki ang talent fee

Inilabas na sa publiko kung magkano ang ginastos para lamang matupad ang reunion concert ng legendary OPM band na Eraserheads.

Sa ulat ng Daily Tribune, ibinahagi ng isang promoter na maihahalintulad na sa concert ng ilang international stars ang gastos sa ginanap na concert ng E-Heads nitong Disyembre 22, 2022.

Ayon sa nasabing promoter ay nasa P275-M ang nagastos para sa nasabing concert kung saan nagsama sama muli ang mga miyembro ng nasabing banda na sina Ely Buendia, Raymund Marasigan, Buddy Zabala at Marcus Adoro.

e heads

Ilan sa mga naging investor ng nasabing concert ay si Alden Richards.

Ibinunyag din ng nasabing promoter na mas mataas ang nakuhang talent fee ni Buendia kaysa sa mga kasamahan niya sa E-Heads.

Matatandaan na maliban sa E-Heads ay mayroon ding inimbitahan ang mga organizers na ilang celebrities katulad ni Gary Valenciano.

Mayroon ding 18-piece orchestra na pinaganda pa lalo ang nasabing concert.

huling el bimbo 1

Hinaluan din ng producer ng teknolohiya ang concert kung saan nag-perform ang hologram ni Francis Magalona.

Ayon naman sa mga organizer ay umabot sa 75,000 ang nanood ng live sa banda.

Isang netizen naman ang sinubukan hulaan kung magkano ang kinita ng reunion concert ng Eraserheads at ayon sa kanya ay umabot ito ng mahigit P400-M.

Maituturing naman na tagumpay ang concert at isa sa mga senyales nito ay ang world tour na gagawin ng nasabing banda sa ibang bansa kasama na ang Canada, Singapore at United States.

Sa ngayon ay wala pang kumpirmasyon ang mga organizer ng nasabing concert kung magkano nga ba talaga ang kinita ng reunion ng E-heads.

Facebook Comments