Bati na? Heart Evangelista, may mensahe kay Chiz Escudero matapos ang Pasko

Sinupresa ni Heart Evangelista ang kanyang mga fans ng isang mensahe para kay Senador Chiz Escudero.

Sa kanyang Instagram post nitong Disyembre 27, ibinahagi ni Heart ang isang post na naka-tag ang kanyang asawa na matatandaang inakala ng mga netizens na hiniwalayan niya na.

“Living between 2 worlds Paris and Manila 🤍2 clocks in one @philipsteinph 🤍 walking around Paris before heading home for New Year 🥂” ani Heart.

“Ps See you soon @escuderochiz,” dagdag pa niya.

Matatandaan na ilang buwan na hindi naglabas ng kahit anong mensahe si Heart para kay Escudero kaya naman inisip ng mga fans na hiwalay na ang dalawa.

Hindi rin binati ni Heart sa kanyang kaarawan ang senador noong Oktubre.

Sa isang ulat naman ng Manila Bulletin nitong Disyembre 14 ay namataan ng ilang entertainment writer ang dalawa na magkasama sa isang event sa Makati City.

heart chiz 1

Makikita na diumano’y masaya ang dalawa na nag-uusap kasama ang kanilang mga staff.

Magkasama parin diumano ang dalawa sa iisang bubong kahit na nagkaroon ito ng malaking pagsubok sa kanilang relasyon.

Kahit na mayroong mga kumakalat na balita na sila’y hiwalay na ay patuloy parin na soot ng senador ang wedding ring nila ni Heart.

Hindi naman umaasa ang mga netizens na maglalabas pa ng pahayag si Heart tungkol sa kung ano nga ba ang nangyari sa kanila ni Escudero dahil sa maaring mas gusto ng aktres na maging pribado ang mga detalye tungkol sa kanilang relasyon.

 

Facebook Comments