Mga residente ng Misamis Occidental, sinalubong ang pasko na lubog sa baha

Libo libong residente ng Misamis Occidental ang sinalubong ang Pasko ng lubog sa baha dahil sa malalakas na ulan na dala ng Amihan at ng diumano’y pagkasira ng kanilang dike.

Ayon sa ulat ay tatlo na ang nai-ulat na nasawi sa nasabing pagbaha.

Lampas leeg narin ang ilang mga lugar sa nasabing probinsya katulad ng Tudela Area kung saan ay napilitan na lamang salubungin ng ilang residente doon ang Pasko ng nasa kanilang mga bubungan.

Fk3eyg9aUAAv2l

Ilang mga kabahayan narin ang nasira ng nasabing pagbaha.

May residente din sa nasabing probinsya ang nagpakita ng kanilang kalungkutan dahil sa nangyari sa kanila.

Ngunit ayon sa kanila ay mas nanaig parin sa kanilang ang maging positibo at naniniwala sila na malalagpasan din nila ang nangyayari sa kanila.

Nanawagan ng tulong ang mga nasa social media upang paalalahanan na habang ang mga Pilipino ay nagdiriwang ng kapaskuhan ay naghihirap naman ang mga residente ng Misamis Occidental.

“Misamis Occidental needs all the help it can get right now. Since yesterday pa po bumabaha and until today patuloy pa rin po ang malakas na ulan.” sabi ni netizen @prncssjmc.

“What supposed to be a happy festive celebration on christmas eve some of our fellow filipinos were trying to save themselves and their belongings from the flood.” ani netizen Liofer Pinatacan.

322162126 894881454982462 541075771450048777 n

Ibinahagi naman ng Angat Buhay Executive Director na si Raffy Magno na nagpadala na sila ng mga volunteers sa Misamis Occidental para matulungan ang mga apektadong residente doon.

We’re mobilizing our volunteers in Misamis Occidental to provide immediate relief assistance to families affected by the flooding. Maraming salamat sa ating mga kasama sa Angat Misamis Occidental Volunteers.” ani Magno.

 

Facebook Comments