Direktor ng Darna, sumagot sa mga pambabatikos na natanggap nila: ‘Darna has provided jobs for a lot of people’

Sinagot ng direktor ng Darna na si Benedict Mique ang mga pambabatikos na natanggap ng kanilang teleserye mula sa mga netizens.

Matatandaan na mula sa mga fight scenes, hanggang sa quality ng CGI ay hindi nakaligtas ang Darna sa pambabatikos ng mga netizens.

Tinapos naman ni Direk Mique ang kanyang pananahimik tungkol sa pambabatikos ng ilang netizens na sinabi na mas maganda pang manood ng naglalaban na pusa sa bubong kaysa sa manood ng Darna.

jane de leon 1
Larawan mula kay Jane De Leon/IG

Ayon sa kanya ay nababasa naman nila ang mga komento ng mga netizens at kumukuha ng mga ideya kung paano nila magagawang pagbutihin pa ang programa.

Inamin rin nito na ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para makapagbigay parin ng magandang palabas sa mga netizens kahit na nasa ‘limited market’ na lamang sila ngayon.

Wala na kasing prangkisa ang ABS-CBN kaya naman umaasa na lamang sila ngayon sa mga third-party platforms upang kumita at maipalabas ang kanilang programa.

darna basketball court scaled
Larawan mula sa ABS-CBN

Naniniwala rin ang direktor na madaming trabaho ang naibigay ng Darna sa mga nasa entertainment industry.

Marami rin diumano silang natutunan mula sa mga batikos na kanilang natanggap kaya naman nangako ito na lalo pa nilang pagbubutihin ang kanilang ginagawa.

Ipinagmalaki naman nito na numero uno parin diumano sa online views ang Darna.

“Nagpapasalamat din ako personally sa mga viewers dahil Darna has been consistently on top in terms of views online which I think is the trend right now because the audience has shifted online. Salamat.” aniya.

 

Facebook Comments