Dennis Padilla ikinuwento ang naging karanasan nila sa restaurant na siningil sila ng P38,000: “Hinoldap niyo ang kaibigan ko”

Nagbahagi pa ng ilang impormasyon ang aktor na si Dennis Padilla sa nangyaring paniningil sa kanila ng P38,000 sa isang restaurant sa Pasay City nitong Disyembre 19.

Sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz, ibinahagi ni Dennis na mayroong paraan ang restaurant na Aling Mahrya seafood para diumano hindi isipin ng kanilang mga customer ang kanilang mga ino-order.

Ayon sa kanila ay inaliw sila ng mga staff ng nasabing restaurant upang patuloy silang umorder at makalimutan na tanungin ang presyo ng kanilang mga inihahandang pagkain.

dennis p 4
Larawan mula kay Dennis Padilla/IG

Dito na lamang sila nagulat na umabot na pala ng P38,000 ang kanilang bill kahit na pito lamang sila na kumain sa nasabing restaurant.

“Ganito ang style nila diyan. May haharap sa inyong 3 baklang maharot, itong 3 baklang maharot, nakakatuwa sila kasi nagpe-perform sila parang stand up comedian habang kinukuha yun order mo,” kwento ni Dennis.

“So tatawa ka, matutuwa ka. Nung nagreklamo na ako at bumaba na yung balikbayan friend ko ng mga bago mag-3. Nung nagrereklamo na ako, ‘Sobra naman kayo. Hinoldap niyo yung kaibigan ko.’ Sabi ko, ‘Ito lang kami, 6 na adult at 1 bata.’ Ano yan? 5,000 isa pare?” dagdag pa niya.

Ayon sa kanya kahit ang mga inumin sa nasabing restaurant ay hindi makatarungan ang presyo.

“Nagkamali pa nga ako sa 450 na mango shake, ang 450 yung pineapple shake. Ang mango shake, chinarge yung balikbayan friend ko ng 650,” wika niya.

Ilang beses diumano niyang pinakiusapan ang restaurant na ilista ang kumpletong detalye ng kanilang order ngunit tumanggi ang mga ito.

“Nakipagtalo ako, ayaw i-itemize, inaano lang, sinasabi lang. ‘Hindi, ganito po boss. Idol ko pa naman po kayo,'” kwento pa nito.

Hanggang ngayon ay wala paring pahayag ang nasabing restaurant tungkol sa mga akusasyon ni Dennis.

 

Facebook Comments