Vhong Navarro masayang ipinagdiwang ang Noche Buena kasama ang mga mahal sa buhay: “Napakarami kong pinagpapasalamat”

Hindi maitago ng komedyante na si Vhong Navarro ang kanyang kasiyahan matapos niyang makasama ang kanyang mga mahal sa buhay nitong nakaraang Noche Buena.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Vhong ang ilang larawan na kuha sa pagsalubong nila sa Pasko nitong gabi ng Disyembre 24.

Makikita sa larawan ang kanyang asawa na si Tanya Bautista, kanyang mga anak, ilang kamag-anak at kanyang mga alagang aso na inakala niyang hindi niya na makikita dahil sa kasong kinakaharap niya.

screencap 2022 12 25 at 7.01.41 AM
Larawan mula kay Vhong Navarro (@vhongx44)/IG

Ayon kay Vhong ay ito ang matituturing niya na pinakamasayang Pasko sa kanyang buhay.

“Napakarami kong pinagpapasalamat… Thank you, Jesus! Happy Birthday!  Sa lahat ng nag dasal at umalalay sa akin Maraming maraming salamat.🙏🏻 God bless!  Blessed Christmas sa ating lahat!Pinakamasayang Pasko kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.” ani Vhong.

screencap 2022 12 25 at 7.01.35 AM
Larawan mula kay Vhong Navarro (@vhongx44)/IG

Ilang netizens naman ang masaya sa naging kahinatnan ng Pasko ng komedyante.

Matatandaan na nitong Disyembre 14 ay pinayagan ng korte na makapag-piyansa si Vhong para sa kasong kinakaharap niya na isinampa ng model na si Deniece Cornejo.

Ilang buwan din na namalagi sa loob ng selda si Vhong at ibinahagi rin ng mga malalapit sa kanya na hindi maitago noon ng aktor ang pagkalungkot dahil sa naging kalagayan niya.

Inaassahan naman na matapos ng Holiday season ay babalik na sa kanyang normal na pamumuhay si Vhong kasama na dito ang kanyang pagbabalik bilang host sa It’s Showtime.

Noong 2014 pa lamang ay humaharap na sa kaso si Vhong dahil sa nangyari sa kanila ni Deniece sa isang condominium unit.

Facebook Comments