Hindi pa final! Ely Buendia, ibinahagi ang ‘World Tour’ ng Eraserheads para sa susunod na taon

Tila mayroon pang pagkakataon ang mga fans ng Eraserheads na makita ang kanilang idolo na mag-perform ng magkakasama matapos ibahagi ni Ely Buendia ang magiging plano ng kanilang banda para sa susunod na taon.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Buendia ang magiging ‘World Tour’ ng Eraserheads kung saan ay inaasahan na magpupunta sa iba’t ibang bansa ang banda upang pasayahin ang kanilang mga fans abroad.

Dahil dito ay kinokonsidera na hindi pa ‘final’ ang naging performance ng Eraserheads nitong Disyembre 22, 2022 sa Pasay City.

Ikinatuwa naman ng mga fans ng E-Heads sa mga bansa katulad ng Canada, America at Saudi Arabia ang naging anunsyo ni Buendia.

Umaasa sila na madaming bansa ang mapupuntahan ng nasabing banda.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Elean Buendia (@elybumbilya)

Ayon sa mga organizer ng nasabing concert ay umabot sa 75,000 ang pumunta sa nasabing event.

Kinokonsidera nilang matagumpay ang muling pagsasama sama ng apat na legendary OPM artist na sina Ely Buendia, Marcus Adoro, Raimund Marasigan at Buddy Zabala.

Malayo ito sa mga sinasabi ng ilang kritiko na ‘nilangaw’ ang nasabing concert dahil sa hindi pa diumano totoong sold-out ang mga ticket.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang iba pang miyembro ng E-Heads tungkol sa darating nilang world tour.

 

Facebook Comments