Darna vs Fake Darna sa basketball court, tinawanan ng mga netizens: “Masarap pa manood ng nag aaway na pusa sa bubong”

Inulan ng batikos sa social media ang naging laban sa pagitan ni ‘Darna’ at ‘Fake Darna’ noong Nobyembre 28.

Hanggang ngayon ay usapan parin sa social media ang nasabing scene sa pagitan ng dalawang karakter na maituturing na mayroong superpowers na ginanap sa isang basketball court.

Ilang netizens ang kinuwestiyon ang nasabing eksena lalo na ang special effects na ginamit dito.

Eto ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

“San ka nakakaita ng Superhero at isang Super Villain na naglaban pero yung Laban eh nadaig pa mga pusa dito sa kapitbahay namin na halos masira bubungan sa kakahabulan samantalang yan may super natural abilities ,may impact effects nga yung mga suntukan pero walang nadadamage sa paligid…” sabi ni netizen Nells.

“Masarap pa manood ng nag aaway ma pusa dito sa bubungan ng kapitbahay namin at nagsasabong na manok na mas maganda pa yung lipad ..eh ..” dagdag pa niya.

“Mas magaling pa sa VFX at CGI yung mga nag ti TikTok at yung Darna pilit na ginagaya mga facial expressions ni WW pero nag mumukha lang pa cute na agag.” wika ni netizen Nosi.

“Sa Director nito? Man binigyan ka ng opportunity to show your craft tapos ganito lang papakita mo? Talo pa kayo ng Maria Clara at Ibarra sa effort ng show and details. Imagine walang power power dun pero nadadala ang tao sa mga millennial words in Barbie Forteza.” sabi naman ni netizen Charles.

Facebook Comments