Bingi at pipi na Pintor, nabudol matapos hindi kunin ng customer ang ipinapinta nitong Philippine Eagle: “Napakasakit”

Hindi maitago ng isang pintor na bingi at pipi ang pagkadismaya matapos siyang hindi siputin ng kanyang customer na nagpagawa sa kanya ng painting.

Sa kanyang post sa social media, ibinahagi ni Dan Paul Gonzales ang kanyang pagkalungkot at pagkadismaya dahil sa napunta sa wala ang lahat ng kanyang pinaghirapan matapos biglang ipa-cancel ng buyer ang kanilang transaksyon.

Ito’y kahit na gawa na ang paintaing na ginawa ni Gonzales na hango sa Philippine Eagle.

Ayon sa kanyang kwento ay magkikita sana sila ng customer sa isang mall sa Davao City noong Disyembre 18 at kahit masama ang panahon ay pinilit niyang madala ang nasabing mga painting.

Ngunit ayon kay Gonzales ay hindi sumipot ang buyer na lubos niyang ikinalungkot lalo na’t wala pa siyang kain noong mga panahon na ‘yon.

Naiyak na lamang diumano ito habang pauwi sa kanilang bahay.

screencap 2022 12 24 at 6.25.17 PM
Larawan mula kay Dan Paul Gonzales/FB

Sinabi ni Gonzales na 20 araw ang kanyang naubos upang makumpleto ang dalawang painting na nagkakahalaga sana ng P11,500.

Mabuti na lamang diumano at mayroong nagmagandang loob na bilhin ang mga painting.

Umani naman ng papuri sa social media si Gonzales dahil sa galing nito na sa pagpipuntura kahit na mayroon siyang kapansanan.

Pinuri rin ng mga netizen ang babae na bumili ng nasabing painting.

“Thanks to the kindhearted soul na nag purchase sa painting in a flash. may God bless you more.” sabi ng isang netizen.

dan 1
Dan Paul Gonzales

Dahil dito ay inuulan ngayon ng mga customer si Gonzales at todo pasasalamat naman ito dahil sa magiging masaya ang pasko niya.

Hindi naman pinangalanan ni Gonzales ang nasabing customer na nanloko sa kanya.

Facebook Comments