Ales Vodisek at Jorryme Lorono nagkabalikan na matapos ang ilang buwan nilang paghihiwalay

Ilang buwan matapos ang kanilang hiwalayan ay inanunsyo ng mag-asawang sila Ales Vodisek at Jorryme Lorono ang isang mabuting balita.

Ibinahagi ni Ales sa kanyang vlog nitong nakaraang linggo ang kanyang desisyon na hindi na ituloy ang pakikipag-divorce kay Jorryme matapos ang kanilang isyu na pinag-usapan ng publiko.

Todo papuri rin ito sa kanyang asawa at sinabi na ‘the best’ magmahal ang mga Filipina.

Umuwi na rin ito ng Pilipinas upang personal na kitain si Jorryme at buuin muli ang kanilang nasirang relasyon.

ales 1
Larawan mula kay Ales Vodisek

Matatandaan na sumikat ang dalawa sa social media matapos akusahan ni Jorryme si Ales ng pagkakaroon ng relasyon sa bestfriend nito sa si Shaira Mae Boyonas.

Lalo pang lumakas ang pagdududa ni Jorryme ng makita nito ang tila pagiging sweet ni Ales at Shaira sa mismong kasal niya.

ales vodisek scaled

Dahil sa laki ng isyu ay nagdesisyon na lamang si Ales na umuwi sa kanyang bansa.

Ilang buwan matapos ang isyu ay sinabi ni Jorryme na tanggap niya na ang nangyari na hindi na sila magkakabalikan ni Ales.

“Akala ko hindi na ako makakabangon, akala ko hindi na ako makakapagsimula ulit pero look at me now,” ani Jorryme.

Ito rin ang sinabi ni Ales at sinabi na hindi talaga sila para sa isa’t isa ni Jorryme.

screencap 2022 12 24 at 4.20.11 PM

“My ex-wife is doing what she want to do and it’s good for her to go further with her life we don’t talk anymore because it’s no point of talking and this is the best way to do it.” sabi ng banyaga.

“We are not meant to be together,” dagdag niya pa.

Ngunit tila hindi nakatiis ang dalawa sa isa’t isa at nagkabalikan rin sila.

Ilan naman ang nagbiro na matutuloy na ang honeymoon ng dalawa.

Wala namang inilabas na pahayag si Shaira Mae tungkol sa pagbabalikan ni Ales at Jorryme.

 

 

Facebook Comments