Paghaharap sa pagitan ng orihinal na asawa at kalaguyo ng isang Muslim naging usap-usapan sa social media

Usap-usapan ngayon sa social media ang harapan sa pagitan ng dalawang babae na nagmamahal sa isang lalaki.

Sa isang video na ibinahagi ni Yen Abusaman, makikita ang pagpasok nila sa kwarto kung saan makikita ang lalaki kasama ang kanyang kalaguyo na nakilalang si Nadz Sulaiman.

Maririnig din ang pag-uusap sa pagitan ng magkabilang panig sa salitang Tausug at Filipino.

Ayon kay Abusaman ay hindi siya makapaniwala na magagawa sa kanya ito ni Sulaiman na itinuturing niyang isang kaibigan.

Ngunit lalong naging kumplikado ang sitwasyon dahil sa diumano’y kinasal ang lalaki at si Sulaiman sa tradisyong Islam kung saan maaring makapag-asawa ng tatlo ang isang indibidwal.

Hindi naman malaman kung ang orihinal bang asawa ng lalaki ay isa ring Muslim.

sulaiman nadz 1
Larawan muna kay Sulaiman Nadz

Ibinahagi din ni Abusaman ang text diumano ni Sulaiman sa lalaki at sinabi na wala namang problema sa kanya kung kasal na ito.

“Wag mong isipin na kasal oh anu yon yen. Halal lang yon para makawala ako sa atraso,” ayon sa text.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung magsasampa ba ng kaso si Abusaman laban sa kanyang asawa lalo na’t mayroon pala silang mga anak.

Ayon din kay Abusaman ay mayroon naring anak si Sulaiman kaya naman talagang hindi nito maitago ang kanyang pagkadismaya.

Facebook Comments