Mga fans ni Kim Chiu, nagreklamo sa pwesto ng aktres sa X’Mas photo ng ABS-CBN: “Bakit ganito trato nito sa kanya”

Hindi maitago ng ilang mga fans ni Kim Chiu na magreklamo dahil sa diumano’y pwesto ni Kim Chiu sa larawan na kuha sa Christmas Special ng ABS-CBN.

Sa nasabing larawan ay makikita na hindi katabi ni Kim ang mga opisyal ng ABS-CBN na lubos na hindi ikinatuwa ng ilang fans.

Isa dito ang netizen na si Armee0528 na ipinaalala sa ABS-CBN kung gaano ka-aktibo noon si Kim sa pagtatanggol sa kanyang network noong humaharap ito sa isyu ng prangkisa.

“Sana lang u give credit where credit is due assess & consider all factors prior to any decision. Among all the artists here, sino ang sikat, nagpayaman sa inyo sa ratings & ads then & now, has more achievements & staying power,” sabi ng netizen.

“At higit sa lahat, tumayo at nanindigan kasama nyo.. no other than Kim @princesasachinita. She put herself in the biggest controversy of her life when she stood & fought for u during the shutdown tapos ito ang trato nyo sa kanya. Yung iba dyan, wala namang pinuhunan pero ang special,” dagdag pa niya.

“You have remained humble kaya ka pinagpapala. But sana naman, di abusuhin ng mga tao ang kagadanhan ng iyong puso. Basta kaming mga fans mo at casual viewers, alam namin ang TUNAY MONG TRONO. Sana lang MAS PAHALAGAHAN ka pa nila,” sabi naman ni netizen Jingle.

Ilang fans naman din nila Kathryn Bernardo at Julia Montes ang pumalag sa naging pwesto ni Kim.

“TBH (to be honest), dapat, Julia M, Kath and Kim Chiu sa gitna,” sabi ng isa pang netizen.

“We are not trying to be nega here pero this is not the first time na rin kasi. Medyo sensitive rin ako pagdating sa mga ganito kasi unfair talaga for her knowing her contributions to the network. Homegrown pa ‘yan, ha? Kim Chiu wasn’t called the Teleserye Princess for nothing.” wika naman ng isa pang netizen.

Ni-retweet naman ito ni Kim at sinabi na hindi naman mahalaga kung ano ang pwesto niya sa nasabing larawan.

“I think billing is not as important, di rin naman lalaki TF mo if ikaw yun una, huli or gitna. Bastat may trabaho ako okay na po ako dun. Salamat sa ABSCBN sa mga opportunities na binibigay nila sa akin. Kahit saan nila ako ilagay okay lang naman po sa akin, still grateful,” sabi ng aktres.

 

Sa ngayon ay hindi na iniisip ng aktres ang nasabing isyu upang hindi na ito lumaki pa.

Facebook Comments