‘Hologram’ ni Francis M, nag-perform sa Eraserheads concert kasama si Elmo at Arkin

Sinupresa ang libo libong nanood ng concert ng bandang Eraserheads nitong Disyembre 22, 2022 ng biglang nag-perform ang tinaguriang ‘Master Rapper’ na si Francis Magalona.

Sa unang kanta na inawit ng banda para sa nasabing concert na ‘Superproxy’ ay lumabas ang hologram ni Francis M. upang samahan ang Eraserheads sa pagkanta.

Kasama rin sa nagperform ang mga naiwang anak ng rapper na sina Elmo at Arkin Magalona.

francis m hologram 2

Todo naman ang paghanga ng mga manonood dahil sa hindi nila inaasahan ang naging supresa ng E-Heads para sa kanila.

His hologram was done great that it felt like he was there on stage with Eraserheads!” sabi ng isang netizen na nakapanood ng concert.

Wow that Francis M hologram brought tears to my eyes. Mabuhay ang alaala mo Kiko!” sabi pa ng isang fan ni Francis M.

Opening song pa lang iiyak ka na lalo na kung nakita niyo yung hologram ni Francis M. on stage as if he’s real.” 

Matatandaan na malapit si Francis M sa Eraserheads, lalo na sa frontman nito na si Ely Buendia at ilang beses na silang magkasama na gumawa ng kanta.

Noong 2009 ay inalay ng Eraserheads ang kanilang reunion concert para sa ala-ala ni Francis M. na puamanaw noong parehong taon dahil sa leukemia.

Dapat ay magpe-perform sa nasabing concert ang Master Rapper ngunit hindi na ito natuloy dahil sa kanyang pagpanaw.

“As we all know, he was supposed to perform with them 13 years ago. A few days before the concert, he passed away. And now because of technology, through [a] hologram, we are going to bring him back to perform with the Eraserheads,” ayon sa producer ng concert na si Francis Lumen.

Bago ang nasabing concert ay sinabi ng asawa ni Francis M. na si Pia Magalona na excited siya na makita muli ng live ang kanyang namayapang partner kahit na sa hologram lamang.

 

Facebook Comments