Ilang scammer ginagamit ang sim card registration upang makuha ang data ng mga subscribers ng G-Cash

Pinag-iingat ng isang netizen ang publiko tungkol sa bagong modus ng mga kawatan ngayong paparating pa naman ang pasko.

Ayon kay netizen Justin Carpio ay nakatanggap siya ng email na tungkol sa Sim Card Registration Act.

Hinakayat siya ng nasabing email na magpa-rehistro na ng kanyang numero at nagbigay din sila ng website kung saan diumano niya ilalagay ang kanyang mga impormasyon.

Ang nasabing website na nakalagay sa email ay halos kapareho ng disenyo ng mobile application na G-Cash at dito ay ipinapa-fill-up sa kanya ang kanyang numero.

Tila paraan ito ng mga scammer upang makuha ang ‘OTP’ ng mga maloloko nilang subscriber upang ma-access nila ang G-Cash account ng kanilang mga biktima at makuha ang pera nila.

“They will tell you na restricted ang GCash account mo dahil you need to process daw the Sim Registration(so dun ka talaga magpapanic). Then may mga link na andun sa email, then pag iclick mo yun, they will ask for your number. Pag nabigay mo ng number mo, you will be asked for the OTP na isesend nila.” ani Carpio.

“Medyo mahusay na mga mambubudol ngayon. Buti nalang nag check muna ko sa globe. Wala daw silang ganyan process na pinagagawa.” dagdag pa niya.

Ayon sa Globe ay hindi pa nila inuumpisahan ang registration para sa kanilang mga subscribers.

“You can already register your SIM starting December 27, 2022 for both new and existing SIMs. If you have just bought a new SIM, you must register it to activate it and begin using it for call, text, and data services.” ayon sa website ng Globe.

Hindi rin kinakailangan ibigay ng mga magrerehistro ang kanilang mga OTP at ang kailangan lamang nilang ipasa ay ang kanilang ID.

Eto ang ilan sa mga ID na tatanggapin nila:

  • Passport;
  • Philippine Identification System ID, or the Philippine Identification Card;
  • Social Security Service ID;
  • Government Service Insurance System e-Card;
  • Driver’s License;
  • National Bureau of Investigation clearance;
  • Police clearance;
  • Firearms’ License to Own and Possess ID;
  • Professional Regulation Commission ID;
  • Integrated Bar of the Philippines ID;
  • Overseas Workers Welfare Administration ID;
  • Bureau of Internal Revenue ID;
  • Voter’s ID;
  • Senior Citizen’s card;
  • Unified Multi-purpose Identification Card;
  • Person with Disabilities card; or
  • Other government-issued ID with photo
Facebook Comments