Deanna Wong, viral nanaman sa social media matapos ang pagtrato nito sa isang fan

Nag-trending muli sa social media ang Flying Titans volleyball player na si Deanna Wong matapos kumalat ang isang video na kuha ng isang netizen.

Sa nasabing video ay makikita ang isang fan na lumapit kay Deanna at sinubukan itong kausapin.

Makikita naman na sumenyas si Deanna at umalis naman ang nasabing fan bilang tugon.

Ang nasabing video ay kuha ni Adrian Vasaya Abejuela.

“Confirmed.. kayo na bahalang humusga,” sabi ng uploader.

Kuha ang nasabing insidente sa Oslob, Cebu na kilala sa whale shark sighting.

Tila nasa gitna ng seminar sila Deanna ng lumapit ang nasabing fan.

Binatikos naman ng motivational speaker na si Rendon Labador si Deanna dahil sa diumano’y ugali nito.

“As a public figure, we have a social responsibility and moral obligation to inspire others. It is a privilege! Dont’ take that for granted,” ani Labador.

Wala pang tugon si Deanna sa panibagong isyu na kinakaharap niya.

Matatandaan na nitong nakaraang mga linggo ay naging usap-usapan ang volleyball player dahil diumano sa hindi nito pagpansin sa kanyang mga fans.

Ipinagtanggol naman si Deanna ng kanyang team at sinabi na walang katotohanan na hindi namamansin ng fans ang volleyball player.

“The Team’s fans know how warm, respectful, appreciative, and accommodating the ladies are. While we acknowledge that our team could have handled that particular encounter in the video better, we denounce malicious posts that put our players, our team, and our company in a bad light. Posting these innuendoes only bring negativity to our volleyball community and put the wellbeing of our athletes at risk,” sabi ng team ni Deanna.

Facebook Comments