Cristy Fermin ibinahagi ang kanyang karanasan kasama si Alex Gonzaga: “Ang amin pong taping ay nade-delay dahil hinihintay namin siya”

Ibinahagi ni Cristy Fermin ang kanyang naging karanasan noong naging kasamahan niya ang aktres na si Alex Gonzaga sa showbiz-oriented show ng TV5 na Juicy.

Ito’y sa gitna ng pagkabuhay ng isyu sa pagitan ni Alex at ni Dina Bonnevie.

Tila kumampi si Cristy kay Dina sa nasabing isyu dahil kahit mismo siya ay nasaksihan ang ugali ni Alex sa taping.

Ang tawag ni Cristy noon kay Alex ay ‘simang’ dahil sa lagi diumano itong nakasimangot sa taping.

wp juicy 800

Pansin rin diumano ni Cristy ang tila pagiging tamad ng aktres dahil sa nakahiga ito habang naghahanda sa kanilang taping.

“Nakakaawa ang make-up artist niyang si Noel na nakaluhod, nakahiga kasi siya habang nagpapa-make up! Abuso siya! The late Alex Gonzaga!” ani Cristy.

Dahil dito ay sinabihan ni Cristy ang kanilang executive producer na tanggalin ang higaan ni Alex upang hindi na ito humiga palagi.

Malaking abala rin diumano ang dala ni Alex sa kanila dahil sa palagi itong late.

“Ang kanyang katuwiran, alas kuwatro y medya na raw o ala-singko ng madaling-araw na siyang pinakawalan sa set ng ginagawa niya na kasabay ng Juicy. Ang katuwiran naming lahat, kung hindi mo pala kayang gampanan ang magkabilang-programa, bitiwan mo para hindi ka nale-late na ang dami-daming tao na naaapektuhan sa pagiging late mo.” kwento ni Cristy.

“Tapos darating siya, nakasimangot. Alam naman natin nakasimangot, naka-tsinelas na de-sakbat. Hindi nakagayak.” dagdag niya pa.

Matatandaan na sa isang podcast ay nagsalita si Alex tungkol sa isang ‘artistang matanda’ na sinigawan siya at patuloy siyang binatikos sa ilang mga panayam.

164309 10150091823736801 3282113 n

“There was a time in my early 20s. Pinagsisigawan ako ng artistang matanda. Pinagsisigawan nya talaga ko from head to foot. Kasi akala niya galing ako sa bahay tapos late lang ako. Di nya alam na galing ako sa work. Kasi siguro hindi sinabi sa kanya.” ani Alex.

“After how many years, she’s painting me as the bad guy. Na deserve ko. Yung pinapanood ko, I think ako yan. Parang yung kwento ko yung sinasabi nya. Pero parang mali yung kwento nya. Diba may mga ganun.” dagdag pa niya.

READ: ‘Artistang Matanda’ Netizen pinag-usapan muli ang isyu sa pagitan ni Alex Gonzaga at Dina Bonnevie

Maraming netizen ang tingin ay si Dina ang pinapatamaan ni Alex dahil sa nagsalita noon ang beteranang aktres tungkol sa naging kasamahan niya sa isang programa na lagi diumanong late kahit na baguhan pa lamang ito sa showbiz.

“Talagang sinabihan ko siya: ‘Who do you think you are? Are you famous? Who are you? What name you made? Have you carved your name in stone in showbiz?” ani Dina.

“Your call [time] is at 9 o’clock and you come down from your van at 12 o’clock na naka-pajama? Really? If you want to continue taping this soap like this, do it yourself.’… Lahat kami kasi — mga senior stars kami noon, talagang pinaghihintay niya kami lagi,” dagdag pa niya.

 

Facebook Comments