Louis delos Reyes, gusto ng ibaon sa limot ang diumano’y ‘masamang memories’ nila ni Aljur Abrenica

Humiling si Louis delos Reyes na sana’y huwag ng pag-usapan pa ang kanilang nakaraan ng aktor na si Aljur Abrenica.

Sa isang press conference, sinabi ni Reyes na bilang pagrespeto sa pamilya ni Aljur ay sana’y huwag ng ungkatin pa ang mga sandali na sila ay magkasama ng aktor.

Matatandaan na isa sa mga naging pinakamalaking love team noon sila Louis at Aljur.

aljur louis 1

Maraming fans ang naniniwala na nagkaroon ng relasyon ang dalawa sa gitna ng kanilang pagsasama sa teleseryeng Kambal Sirena.

Nakita rin diumano itong nag-check-in sa isang hotel sa Zambales.

Ito rin diumano ang dahilan kung bakit naghiwalay si Louis at ang ex-boyfriend nito na si Enzo Pineda.

“Parang let’s all leave that behind, kasi parang respect na especially to the mother of his child.” ani Reyes.

louis aljur 2 1

Hindi naman kinumpirma ni Louis kung nagkaroon ba sila ng relasyon ni Aljur ngunit sinabi niya na mayroon siyang mga hindi magandang ala-ala sa mga panahon na ‘yon.

“Siguro kasi may masamang memories na kasama sa tao na yun, na alam mo na hindi siya basta-basta… hindi ko siya nakalimutan. Pero yung emosyon… wala na akong galit, wala na akong kahit na ano. Wala na talaga.” ani Louis.

“Pero yung experience lang, ano yun, e, dark times kasi. Kaya ayoko na lang i-associate, ayoko nang isipin yun, move forward na lang tayo.” dagdag pa niya.

Hindi sinabi ni Louis kung ano nga ba ang masamang karanasan niya kay Aljur.

Sa ngayon ay wala pang tugon si Aljur kung ano nga ba ang binabangit ni Louis.

Facebook Comments