Lian Paz, inalala ang paghingi niya ng diaper bilang pamasko para sa mga anak niya kay Paolo Contis

Inalala ng dating EB babe dancer na si Lian Paz kung paano niya itinaguyod ang dalawa niyang anak ng walang suporta mula sa dati niyang partner na si Paolo Contis.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Lian ang kanyang Christmas wishlist noong 2012 para sa kanyang mga anak na sina Xonia at Xalene.

Ayon sa kanyang post ay ‘diaper’ ang hiniling ni Lian para sa kanyang mga anak noong 2012.

lian paz 4
Xalene and Xonia Contis

Mabuti na lamang diumano at hindi siya pinabayaan ng Panginoon at hindi rin nagtagal ay nakilala niya si John Cabahug na hanggang ngayon ay kanyang katuwang sa buhay.

“10 years ago.. Yung panahon na ako lang mag isa sa lahat kaya ito ang mga wishlist ko.. noon ang daming worries, I was angry at God kaya hindi ako nagtiwala sa kanya. I did things my way and it led me to things I regret looking back,” ani Lian.

“But just 1 day, I decided to call on him for help and he changed my life! (This was a month before I met @johncabahug87) It was not an easy path but his mercy and grace keeps on pouring, one day at a time until today, God, I love you! Thank you for never giving up on me. Thank you for your mercy and grace! You are AMAZING!” dagdag pa niya.

lian paz 3

Noong taon na ‘yon nag-file ng annulment si Paolo laban kay Lian at simula noon ay hindi na diumano nagbigay ng tulong ang aktor para sa mga anak niya.

Sa panayam sa kanya ng Pep.ph ay sinabi ni Lian na hindi tinupad ni Paolo ang kasunduan nila na magbibigay ng tulong pinansyal sa kanilang mga anak.

Pinagsisihan naman ni Lian na hindi niya kinasuhan si Paolo noong mga panahon na ‘yon.

“Nung sinunod ko siya, akala ko, okay. Pero mas maganda na idinaan ko na sa lawyer pala,” aniya.

Ipinagbabawal sa batas ang hindi pagbibigay ng suporta ng isang magulang sa kanyang mga anak.

 

Facebook Comments