Aira Mae Lipata, ipinabura na ang ‘Skusta Clee’ tattoo niya

Ilang netizens ang nakapansin na tila ipinabura na ng influencer na si Aira Mae Lipata ang nag-trending niyang tattoo nitong nakaraang Hulyo.

Sa kanyang ibinahaging video ay makikita na natakpan na ang kanyang tattoo na pangalan ng sikat na rapper na si Skusta Clee na pinaghihinalaan noon na karelasyon niya.

Mapapansin na iba ang ang disenyo ng nasabing tattoo na nakalagay sa kanyang tagiliran.

skusta 1
Larawan mula kay Aira Mae Lipata

 

Hindi naman mapigilan ng ilang netizens na batikusin si Aira dahil sa diumano’y naging papel nito sa hiwalayan ni Skusta at ng dati nitong partner na si Zeinab Harake.

Ang ilan ay tinawag ang nangyari kay Aira na ‘karma’.

netizens 3
Larawan mula kay Aira Mae Lipata

Sumagot naman si Aira sa isang fan at humingi ng paumanhin dahil sa kanyang desisyon na ipa-tattoo ang pangalan ni Skusta noon.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang rapper kung ano na ang nangyari sa kanila ni Aira.

Matatandaan na nitong nakaraang Mayo ay naiulat na nagkaroon ng komprontasyon si Aira at Zeinab sa isang bar.

Dahil dito ay nakatanggap ng batikos si Zeinab mula sa kaibigan ni Aira na si Valentine Rosales.

@chiefairaphJwu♬ Dati-Dati – Sarah Geronimo

“Si Zeinab ang in-assist sa labas ng club, kasi siyempre inaawat siya, kasi siya yung nag-approach, e.” ani Valentine.

Hindi rin ito naniniwala na si Aira ang nag-umpisa ng away sa nasabing bar.

“As far as I know, di naman ganun si Aira, e, di siya makikipagsagutan. Ngingiti lang, tatawa lang. Baka nakipagsigawan siya, pero not to the extent na makikipag-away siya.” wika nito.

 

 

Facebook Comments