Misis, todo ang hinagpis matapos pumanaw ang asawa niya isang araw matapos ang kasal nila

Hindi maitago ng isang netizen ang kanyang pagdadalamhati matapos ang biglaang pagpanaw ng kanyang asawa isang araw matapos ang kanilang kasal.

Ibinahagi ni AJ Jallorina sa social media ang lubos niyang kalungkutan sa pagpanaw ng kanyang asawa na si James Steven Chong.

Dahil dito ay nasabi niya na imbis na marriage certificate ay death certificate ang darating sa kanya ngayon.

james chong 1

“Mahal ko, thank you for making me the happiest bride. Sabi mo nga di mo ako nasusurprise kasi lagi kong nakukutuban. mahal ko, hindi ko to nakutuban. Hindi ako makapaniwla. Napakasaya natin. Saksi ang Ama at ang lahat.” ani Jallorina sa kanyang Facebook post.

“Napakasakit na pumipirma tayo sa Marriage Certificate natin Dec 15 tapos Dec 16 death certificate mo na pinipirmahan ko. Kasama sa vow ko ang aasikasuhin kita, pero hindi agad sa funeral mo.” dagdag pa niya.

Hindi binanggit ni Jallorina ang naging dahilan ng pagpanaw ng kanyang asawa.

Ibinahagi naman ng mga kamag-anak ni Chong sa social media ang kanilang pagdadalamhati at hanggang ngayon ay hindi parin sila makapaniwala sa nangyari.

Ayon sa ama ni Chong ay mabait ang kanyang anak na isa palang architecture graduate kaya naman hindi niya maitago ang sobrang pagkalungkot sa sinapit nito.

Umabot na sa 59,000 shares sa social media ang nasabing post.

“Now I experience the pain that others felt when they lost someone very important to them,” sabi ni Mr. Chong.

Noong Marso nitong taon lamang nag-propose si Chong kay Jallorina.

Facebook Comments