Isang ina, dismayado matapos isauli ang exchange gift ng kanyang anak: “Nahiya at natakot nanaman siya sa ibang tao”

Dismayado ang isang ina matapos niyang malaman na isinauli ang regalo ng kanyang anak sa ginanap na Christmas party sa kanilang eskwelahan.

Sa kanyang Facebook post nitong Disyembre 16, 2022, ibinahagi ni Christine Ursua Francisco ang kanyang sama ng loob dahil sa tila lubos na naapektuhan ang kanyang anak na si Criza Maine sa naging karanasan nito.

Ayon sa kanyang kwento ay isinauli ang regalo ng kanyang anak dahil sa posibleng hindi ito nagustuhan ng ka-exchange gift niya.

“After the party, I choose to help their teacher to clean the room. Maya-maya lumapit sakin ang anak ko sadly says “Ma, binalik ‘yung gift ko” before that pala sinauli ng kapalitan niya with her mother yung gift niya at kinuha din yung gift nung bata in front of other classmates,” kwento ni Francisco.

“Nakita ko ‘yung sadness sa mukha niya. Para di magpatuloy ‘yung lungkot, I told her na ‘It’s okay baby just sit there I will just finish this then [we] will go home bibilhan kita ng ibang gift. Habang pauwi kami she said ‘Ma ayaw nila sa gift ko?” para akong dinurog,” dagdag pa niya.

“GIVE LOVE ON CHRISTMAS DAY pero ang nangyari returning gifts on Christmas day,” sabi pa niya.

Napansin din ni Francisco na bumalik ang pagiging matakutin sa ibang tao ng kanyang anak matapos ang pangyayari.

Ibinahagi ng netizen ang video na kuha naman sa isang Chirstmas party na kanilang dinaluhan at makikita na ayaw nang makihalubilo ng kanyang anak.

Ilang netizens naman ang dismayado sa ginawa ng ka-exchange gift ng anak ni Criza Maine.

Nagpasalamat naman si Francisco sa mga netizen na nagpakita ng suporta at nag-alok ng tulong sa kanyang anak.

“Medyo nakaka-recover na si Maine ngayon, yun ang mahalaga sakin,” aniya.

Facebook Comments