Girlfriend ni Jovit Baldivino, ginawan parin ng paboritong almusal ang singer matapos itong ilibing

Ibinahagi ni Camille Ann Miguel kung ano ang kanyang pinagkaka-abalahan limang araw matapos ilibing ang kanyang fiance na si Jovit Baldivino.

Sa kanyang Facebook post, halata na patuloy parin ang pagdadalamhati ni Camille matapos ang biglaang pagpanaw ni Baldivino dahil sa aneurysm matapos itong sumuway sa payo ng kanyang doktor na magpahinga muna.

Ibinahagi nito sa kanyang mga libo libong followers na hanggang ngayon ay pinaghahandaan parin niya ng almusal si Jovit kahit na wala na ito.

Makikita sa nasabing larawan ang tapsilog na inihanda ni Camille para sa kanyang sana’y papakasalan na lalaki.

“Fav bfast mo Love ko khit wala kna sabay pdn tayo lagi po kakaen ha sobrng Miss napo kita,” aniya.

camille ann miguel 4

Matatandaan na ikinuwento ni Camille kung gaano niya alagaan noon si Jovit noong nabubuhay pa siya.

Ngunit ngayon na wala na ang singer ay hindi alam ni Camille kung paano muli magsisimula sa kanyang buhay.

“How Can I Start this Planner without you? My Love Jovit Lasin Baldivino. Nag pagawa pako ng planner para maplan ng ayos ang 2023 naten dalawa. Pano ko plaplanuhin ngaun ng mag isa nlng,” sabi pa niya.

Ang nangyari kay Jovit ay naging paalala rin sa mga performer na intindihin din ang kanilang sarili at huwag basta basta susunod sa kanilang mga fans na gusto silang kumanta kahit na nasa oras sila ng pahinga.

Facebook Comments