Gen. Gerald Bantag, may reaksyon sa mga nagsasabi na posibleng buhay pa si Jaybee Sebastian

Hindi ikinatuwa ni Gen. Gerald Bantag ang mga teorya tungkol sa pagkasawi ng high profile inimate na si Jaybee Sebastian.

Muling umugong ang pangalan ni Sebastian matapos umpisahan ng bagong pamumuno ng Bureau of Corrections (BuCor) ang pagkasawi ng ilang high-profile inmate sa ilalim ni Bantag.

Ayon kasi kay BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. ay may mga nakita silang ‘lapses’ sa mga kwento kung paano ba talaga nasawi si Sebastian.

13699984 312746179071584 8596417614002843118 n

Matatandaan na noong 2020 ay nasawi diumano ang nasabing inmate dahil sa nakakahawang sakit kaya naman agad na ipinag-utos na sunugin ito.

Binalikan din ng ilang netizens ang teorya na diumano’y buhay pa si Sebastian at pinalabas lamang na ito ay pumanaw na.

Kaya diumano sinabi na sinunog ito ay para hindi na hanapin pa ng tao ang katawan nito.

Ngunit ayon noon kay Bantag ay imposible na hahayaan niyang palayain si Sebastian.

“‘Wag silang magsasalita ng gano’n. Magsasalita ng negative, p— ina. Sa totoo lang, p— ina,” ani Bantag sa isang panayam noon.

“Ang question dito, national security na, national health pa, magsasalitang pinatakas? G*g* pala ‘yan e. Dahil sabi nila, baka pinatakas. O, magharap kayo sa’kin ng buhay na tao at tingnan natin kung siya ba ‘yon o hindi,” dagdag niya pa.

Nahaharap ngayon sa patong patong na reklamo si Bantag dahil sa mga diumano’y kwestiyonableng aktibidad nito habang namumuno sa BuCor.

Ilan na dito ay ang paghuhukay ng tunnel sa loob ng Bilibid compound ng walang permiso mula sa national government.

Nangako naman si Catapang na lilinisin niya ang nasabing ahensya.

Facebook Comments