Ina ni Sarah Geronimo na si Mommy Divine, inirereklamo dahil sa hindi magandang trato sa mga empleyado

Mayroong kinakaharap na bagong kontrobersiya ang ina ng singer na si Sarah Geronimo matapos ibahagi ng isang netizen ang diumano’y hindi magandang pagtrato nito sa kanyang mga empleyado.

Sa programa ni Ogie Diaz nitong Disyembre 17, 2022, ibinahagi ng talent manager ang mga text messages sa kanya ng isang nagpakilalang empleyado ni Mommy Divine kung saan makikita ang ilan sa mga diumano’y paglabag sa labor law ng ina ng singer.

Ayon sa nagpakilalang empleyado ay hindi diumano sila nakakatanggap ng mga benepisyo katulad ng overtime pay, at double pay.

mommy divine 2

Hindi rin diumano sila pinapayagan na magkaroon ng rest days.

Eto ang listahan ng mga paglabag na ginawa diumano ni Mommy Divine:

  • Hindi bayad ang 31st ng buwan kung meron kahit nagtrabaho ng araw na ‘yun.
  • Walang overtime pay.
  • Walang double pay.
  • Delayed ang sahod.
  • No restday kahit magpa-approve ka hindi niya pinapansin.
  • Hindi nagbabayad ng government mandated benefits
  • Hino-hold ang tao pag gusto nang umalis ayaw payagan agad.
  • Ginigising ang tao kahit oras ng pahinga para lang magbaba ng dala niya.
  • Pinapakain ang mga tao niya ng paa ng manok paulit-ulit at ulo ng manok
  • Hindi pagpansin kahit maysakit ang tao
  • Kagaya nito hindi na naman siya nagpasahod kahapon (December 15).

mommy divine 5

mommy divine 4

mommy divine 3
Larawan mula sa Ogie Diaz Showbiz Updates

Mahigpit din diumano ito pagdating sa pagbibigay ng sweldo.

Matigas daw si mommy Divine at ang patakaran daw niya ay pumunta kayo at magpa-appointment muna kayo bago ko ibigay ang sahod ninyo at bago ko ibigay ang mga gamit ninyo,” kwento ni Ogie.

Ayon kay Diaz ay hindi ito ang unang beses na nakatanggap siya ng ganitong akusasyon tungkol kay Divine.

Sa ngayon ay wala pang pahayag si Divine kung totoo nga ba ang mga akusasyon laban sa kanya.

Matatandaan na noong pa lamang ay inuulan na ng batikos sa social media si Divine dahil din sa diumano’y trato niya sa kanyang anak na si Sarah.

Na-isyu rin ito matapos diumano nitong pigilan ang kasal ng kanyang anak kay Matteo Guidicelli.

Facebook Comments