Talo si Quiboloy! Bobby Pacquiao scores 105 points in a single basketball game

Tila agad na napanis ang record ni Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy na matatandaang naka-score ng 92 points sa isang basketball game noong Disyembre 11, 2022.

Nag-trending sa social media ang 72-anyos na pastor dahil sa nagawa pa nitong maka-score ng ganoong kadaming puntos kahit na mayroon na itong edad.

Ngunit agad na tinapos ni dating mambabatas at boxer na si Bobby Pacquiao ang record ni Quiboloy matapos siyang maka-score ng 105 points sa Mansion 40-UP Open League na ginanap sa General Santos City.

Ayon sa uploader na si Marvin Docena ay nakagawa ng 35 three-pointers ang dating atleta.

Nanalo naman ang team ni Pacquiao sa score na 164 laban sa 107 ng kanilang kalaban.

Tinawag naman ni Docena si Pacquiao na ‘Sniper’ dahil sa galing nito na mag-shoot.

“Bobby the Sniper Pacquiao with his unbelievable performance scoring,” sabi ng netizen.

Hindi naman mapigilan ng mga netizen na humanga kay Pacquiao na kapatid ni pambansang kamao Manny Pacquiao na mahilig din sa paglalaro ng basketball.

“Shooting history in MP mansion 40 up basketball tournament..the hands of golden hand..the sniper cong bobs..congrats…” ani Robmar Nogiram.

Ilang netizens naman ang humiling na sana’y mapanood nila ang ‘record breaking’ na laro ni Pacquiao.

Wala pang tugon si Quiboloy sa pagka-alis ng kanyang record.

Facebook Comments