Show ni Jake Zyrus sa USA, nilangaw diumano dahil mas gusto ng tao ang boses ni ‘Charice Pempengco’

Ibinahagi ni Ogie Diaz sa kanyang programa na hindi naging patok ang show ng singer na si Jake Zyrus sa San Diego, USA nitong nakaraang Disyembre 10.

Ayon sa source ni Ogie ay diumano’y hindi man lang nangalahati ang venue kung saan ginanap ang concert ni Jake na kilala noon bilang si Charice Pempengco na kilalang kilala sa buong mundo.

Isa diumano sa mga dahilan ng hindi magiging mabenta ng nasabing show ay dahil sa iba na ang boses ni Jake.

jake zyrus scaled
Larawan mula kay Jake Zyrus/Instagram

Mas gusto raw ng mga manonood ang boses nito bilang si Charice.

“Ang sabi ng iba na hindi nakapanood ng concert, intensyunal na hindi sila manood kasi gusto raw nila yung boses nung Charice Pempengco pa siya” ani Ogie.

“Syempre nag-iba na ‘yung timbre ng boses ni Jake Zyrus, tapos mayroon pang chika na ‘yung mga nanonood parang hindi maka-connect kay Jake Zyrus dahil kanta lang ng kanta si Jake,” dagdag pa niya.

Dahil dito ay napatanong ang co-host ni Ogie na si Mama Loi kung sulit nga ba ang ginawang pagbabago ni Jake sa kanyang sarili na ang naging kapalit ay ang pagbulusok ng career nito.

Wala pang komento si Jake tungkol sa rebelasyong ito ni Ogie.

Matatandaan na noong 2013 ay inamin ni Jake sa publiko ang kanyang totoong pagkatao at noong 2017 ay inumpisahan niya ng baguhin ang kanyang itsura.

Naging kapalit naman nito ay ang pagkawala ng Charice na hinangaan ng hindi lamang mga Pilipino kundi ng mga taga ibang bansa dahil sa mataas nitong boses.

Facebook Comments