Guro sa DepEd, 11 beses na nanganak sa loob ng tatlong taon para makakuha ng 11 na maternity leave

Iniutos ni Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte ang imbestigasyon sa ‘maternity leave scam’ na nangyayari sa loob ng kanyang ahensya.

Matatandaan na ibinahagi ng isang empleyado ng DepEd sa Taguig City-Pateros (DepEd-Tapat) ang ibinahagi ang nasabing scam sa publiko.

Ayon sa kanya ay nadiskubre nila na may ilang guro ang kumukuha ng maternity leave ng paulit ulit upang makakuha ng benepisyo na nagkakahalaga ng P35,000 hanggang P61,000.

ilocos norte dumalneg school.v1

Isa sa mga guro na nakita nila sa kanilang imbestigasyon ay kumuha ng maternity leave ng 11 na beses sa loob ng tatlong taon.

Kung titignan ay imposible naman talagang manganak ang isang tao ng tatlo hanggang apat na beses sa isang taon.

“Nanganak ng labing-isang beses sa loob ng tatlong taon,” ani Dr. Ellery Quintia, chief education supervisor para sa curriculum implementation division ng DepEd-Tapat.

Sinabi pa niya na opisyal na nasa likod ng modus na ito ay nakakuha ng P497,000 sa mula Pebrero 2016 hanggang Agosto 2018.

“Kung titignan ninyo itong hawak kong dokumento, sa loob ng isang taon, limang beses nanganak. Ibig sabihin every two months, three months nanganganak siya,” aniya.

Naniniwala naman si Quintia na madaming trabahador ang DepEd ang kailangan imbestigahan tungkol dito.

“Si teacher kasabwat dito, kasi siya mismo ang pipirma dito eh. Pangalawa, dadaan ang pag-file nito sa principal. Si principal pipirma ng advice ito eh. Pagdating sa division office nandyan si personnel, nandyan si admin officer, nandyan si accountant, nandyan si SGOD chief na pumipirma ng voucher namin pag release ng pera. At syempre yung aming abogado,”  

Itinanggi naman ng guro na naiulat na 11 beses na nanganak na mayroon siyang kinuhang maternity leave.

“Blangko ako diyan, wala akong alam. Na-shock ako niyan. Kaninang umaga ko lang po ‘yan nalaman. ‘Di ko alam kung ano reaction ko, pero sa totoo lang, nakaka-inis siyempre kasi nadamay ako,” aniya.

Inamin niya rin niya na wala siyang anak at hiwalay sa kanyang asawa.

Hiling naman ni Quintia ay dapat pumasok na ang NBI sa kaso dahil sa hindi naman pinapansin ng DepEd ang ilan sa kanilang mga reklamo noon.

 

Facebook Comments