Erwin Tulfo, dumistansya sa mga pahayag ng kanyang kuya Mon Tulfo: “His opinion and views are his alone”

Dumistansya si Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Erwin Tulfo sa mga pahayag ng kanyang kapatid na si Ramon Tulfo.

Sa isang Facebook post ay pinagsabihan ni Mon ang kanyang kapatid na huwag ng kumapit pa sa kanyang pwesto bilang pinuno ng DSWD dahil sa dalawang beses na itong na-bypass ng Commission of Appointments (CA).

“Bumitiw ka na bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development. If they don’t appreciate what you’ve been doing at the DSWD, why stick to your post like a ship barnacle?” ani Mon.

Ayon pa kay Mon ay maaring suhulan lamang si Erwin ng mga opisyal na hawak ang kanyang appointment.

“Mga halimbawa: ”Ipaparada” nila ang kanilang pork barrel sa DSWD upang kokolektahin nila pagdating ng araw. O kaya ay hihingin nila na ipasok mo ang kanilang tauhan sa DSWD,” sambit pa niya.” sabi pa niya.

Sa post niya naman nitong Disyembre 16 ay sinabi ni Erwin na magkaiba ang kanilang paniniwala ng kanyang kuya Mon.

“Whatever the statement of our brother, Ramon Tulfo, in his Philippine Star column and facebook page lately, does not reflect, nor share, my sentiment and that of the entire Tulfo family. His opinion and views are his alone”. ani Erwin.

Matatandaan na na-bypass muli si Erwin ng CA dahil sa hanggang ngayon ay pinag-aaralan parin nila ang background ng kalihim.

Ilan sa mga inaalam nila ay kung hindi na ba talaga American Citizen si Erwin at kung maari parin ba itong ma-appoint kahit na nakasuhan ito ng libelo noon.

Facebook Comments