BB Gandanghari nakipagkita kay Ogie Diaz na nakasagutan niya noong nakaraang taon: “Letting bygones be bygones.”

Matapos magkaroon ng matinding sagutan noong 2021 ay tila maganda na muli ang relasyon sa pagitan ng talent manager na si Ogie Diaz at ng dating action star na si BB Gandanghari.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni BB ang kanyang pakikipagkita kay Ogie kasama pa ang ilang miyembro ng showbiz community sa isang Christmas party.

“Thank you @ogie_diaz for inviting me over. I truly felt at home being part of this intimate get together, seeing old friends and meeting new ones…. What an enjoyable evenings guys‼️Letting bygones be bygones. Love you mare,” ani BB.

bb ogie 32
Larawan mula kay @gandangharibb/Instagram

Ikinatuwa naman ng mga fans ni BB ang kanyang pakikipag-ayos kay Ogie.

Matatandaang nakasagutan niya noon dahil sa pagbibigay ng payo ng celebrity sa hiwalayan ng kanyang pamangkin na si Kylie Padilla at asawa nito na si Aljur Abrenica.

Ayon kasi noon kay BB ay hindi na dapat pang isinapubliko ng dating mag-partner ang kanilang pagtatalo.

bb ogie 2
Larawan mula kay @gandangharibb/Instagram

Ngunit pumalag naman si Ogie kay BB at sinabi na dapat ay gawin din ng dating action star ang kanyang payo sa sarili niya.

“Kung maririnig ito ng iba na si BB sinasabihan ang kanyang pamangkin at si Aljur na itago niyo na lang yung dirty linen niyo, wag niyo na ipagpag sa public. Eh sino ka BB para magsabi ng ganyan sa kanila kung ikaw mismo hindi ka marunong magtago? Pinapagpag mo rin o ibinubuko mo rin in public with payment.” ani Ogie.

Nagbigay naman ng tugon si BB kay Ogie.

“Clearly, you don’t know what you’re talking about. Don’t ridicule me because babalik ko sa iyo iyan, ‘no. “Ganyan ka na ka-negative. You think yung pinagdadaanan ng pamangkin ko, e, gagawin kong biro? Excuse me.” mensahe ni BB kay Ogie.

Facebook Comments