John Regala, pumalag sa mga balita na siya ay pumanaw na: “Bigyan niyo muna ako ng trabaho para may pambili ako ng kabaong”

Ikinalungkot ng dating action star na si John Regala ang mga kumakalat na balita sa social media na siya ay pumanaw na.

Sa kanyang Facebook post, mismong ang aktor ang tumanggi na nagtapos na ang kanyang pakikipaglaban sa liver cirrhosis na matatandaang ilang beses naging dahilan kung bakit ito dinala sa ospital.

Ayon sa kanya ay darating naman diumano ang kanyang pagpanaw ngunit sana’y mabigyan pa siya ng pagkakataon na makapagtrabaho upang sa mapaghandaan niya ito.

john 3

Noong 2019 pa ang huling proyekto ni John kaya naman sabik na itong makapagtrabaho.

“Lagi nyo na lang po akong pinapatay sa balita, darating rin po sa akin un bigyan nyo muna ako ako ng trabaho para may pambili ako ng kabaong ko,” ani John.

Nagpakita naman ng suporta ang kanyang mga kaibigan at sinabi na huwag siyang mawalan ng pag-asa sa buhay.

“Naku! friend…hayaan mo sila bro…be strong. Focus ka lang sa sarili mo at sa paglilingkod. Nandito kami na tunay na kaibigan mo na nagmamahal sa iyo. Isipin mo ang pagmamahal ng Dios sa iyo. Yon lang dapat ang mahalaga sa atin ngayon.” sabi ng aktres na si Klaudia Koronel.

john regala 1

Matatandaan na noong 2020 ay nag-trending sa social media ang aktor dahil sa malaking pinagbago ng katawan nito at antas sa buhay.

Dito na ibinahagi ng aktor na mayroon siyang dinadamdam na sakit at dahil sa wala itong trabaho ay hindi rin nito mapagamot ang kanyang sarili.

Dahil dito ay ilang mga netizens at miyembro ng showbiz industry ang sinubukan na tulungan si John na makapagpagamot na matituturing naman na tagumpay.

Ngunit hindi parin nakatakas sa kontrobersiya matapos siyang akusahan ng mga tumulong sa kanya ng hindi magandang pag-uugali.

 

Facebook Comments