Isang lola, nakita habang inililibre ng pagkain ang dalawang batang namamalimos sa isang fast food restaurant

Isang istorya ang nakapukaw sa atensyon ng mga netizens lalo na’t papalapit na ang kapaskuhan.

Ang Kapaskuhan ay tungkol sa pagmamahalan at pagbibigayan kaya naman ng ibinahagi ni netizen Leira Joyce Quilla ang kanyang nasaksihan na eksena sa kinakainan niya na fast food restaurant ay agad itong nag-viral sa social media.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Quilla ang pagkasaksi niya sa isang matandang babae na inilibre ng pagkain ang dalawang bata na madalas mamalimos sa harapan ng nasabing restaurant.

Makikita sa nasabing video ang pag-aasikaso ng matandang babae na hindi pa nakikilala hanggang sa ngayon sa mga bata.

Agad naman pinagsilbihan ng mga crew ang mga bata.

“These two kids came from outside of Jollibee, mga batang namamalimos and I witnessed the kindness ni Lola. This is what our eyes need today, the goodness of people.” kwento niya.

“Hindi lang si lola kundi ang mga crew sa Jollibee ng San Jose, ang babait nila. The way they guide the two kids to wash their hands and took out the left over of them after. Ang saya sa mata.” dagdag pa niya.

Hindi naman maitago ni Quilla ang pagkagalak sa kanyang nasaksihang kabutihan at pagmamahal.

“I feel blessed na isa ako sa mga nakasaksi ng goodness ng isang tao and my heart felt happy at that moment. Godbless po sa inyo specially kay Lola, more years to come pa po sana sa inyo,” wika niya.

Sa ngayon ay umabot na ng libo libong likes sa social media ang nasabing post.

Hindi rin napigilan ng ilang netizens na maging emosyonal at magpasalamat sa kabutihan ni lola.

Facebook Comments