Isang abogado, gigil na gigil sa karakter ni Noynoy Aquino matapos mapanood ng Mamasapano movie: “Must watch. Great movie”

Hindi mapigilan ng isang abogado na maging emosyonal matapos mapanood ang premier ng Mamasapano Movie.

Ang nasabing pelikula ay hango sa kwento ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force (SAF) na nasawi sa engkwentro noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao del Sur.

Isa si Atty. Darwin Canete sa mga unang nakapanood ng ‘Mamasapano’ at ibinahagi niya sa kanyang mga followers kung ano ang kanyang naging reaksyon matapos niya itong mapanood.

noynoy movie

Ayon sa kanya ay napakita ng aktor na si Jervic Cajarop na gumanap bilang si dating pangulong Noynoy Aquino III ang mga katangian ng dating presidente.

Matatandaan na naging kontrobersyal si Aquino dahil sa diumano’y hindi magandang mga desisyon nito na naging dahilan ng pagkasawi ng mga miyembro ng SAF.

“The actor who played Noynoy drew on the actual Noynoy’s distinct qualities of moral cowardice, stupidity and abject laziness. I nearly shouted “leche ka Noynoy sana pinutok ka na lang sa inidoro!” everytime he appeared on screen.” ayon kay Canete.

 

Sa ibinahaging trailer ng Mamasapano ay ipinasilip din kung paano isinalarawan si Aquino sa nasabing pelikula.

Ayon naman sa producer ng pelikula na si Atty. Ferdinand Topacio ay regalo niya ito sa pamilya ng mga nasawing miyembro ng SAF.

“It is a redemption of my promise to the kin of the SAF44,” ani Topacio.

Parte ng pelikula sina Edu Manzano, Rez Cortez, Juan Rodrigo, Gerald Santos, Paolo Gumabao, Aljur Abrenica, Rey “PJ” Abellana, Ritz Azul, Myrtle Sarrosa, at Claudine Barretto.

Inaasahan na ipapalabas na sa mga sinehan ang Mamasapano sa darating na Disyembre 25, 2022.

Facebook Comments