International relations expert, may babala sa mga ibinabahagi ang pag-uusap ng kanilang ‘afam’ sa social media

Nagbabala ang isang international relations expert sa nauuso ngayon na ‘Afam Challenge’ kung saan ay ibinabahagi ng ilang Pilipina ang larawan o ang recorded video ng pag-uusap nila ng kanyang nakilalang foreigner.

Nagkalat sa social media ang ilang videos kung saan makikita ang mismong pag-uusap sa pagitan ng uploader at ng foreigner na hindi naman alam na siya pala ay naka-record.

Lalo pang sumikat ang nasabing content dahil sa content creator na sina Angie at Tommy na nakilala dahil sa kanilang ‘yummy hotdog my tommy’ video.

Ayon kay Sass Rogando Sasot ay mahigpit na ipinagbabawal sa mga bansa na sakop ng European Union ang basta basta pagbabahagi ng mga video recording ng mga usapan ng kanilang mga citizen.

Paglabag diumano ito sa General Data Protection Regulation (GDPR) na mayroong mabigat na kaparusahan.

afam 3
Larawan mula sa TikTok

Ayon kay Sasot ay mabigat ang multa para sa mga lumalabag dito.

“Natatakot ako sa mga gumagawa ng blog content na video call nila ng mga afam. Siguraduhin nyo lang na may written permission na pwede nyo i-post yan. Sa EU that’s a GDPR violation at MAHAL ang fine. As in siraan ng buhay at kinabukasan fine.” ani Sasot.

Kahit ang isang compliance officer ay kinumpirma na hindi dapat basta basta ipinagmamalaki sa social media ang pakikipag-usap ng mga Pilipina sa kanilang mga kaibigan o karelasyon na foreigner ng walang permiso.

“True! Compliance officer here. Huwag padalos dalos sa mga picture, videos at mga PII (Personal Identifiable Information). Lagot kayo kapag may nagreklamo. GDPR, https://gdpr-info.eu/ Kung si AFAM nag release mismo, walang issue kahit saang platform pero kapag wala silang consent as a data subject, may laban sila.” sabi ng isang netizen.

 

Facebook Comments