Vlogger, ipinagmalaki na hindi mumurahin ang ensaymada na ipinakain sa kanila sa Malacanang: “Busugin niyo mata niyo!”

Ipinagmalaki ng isang Pro-BBM vlogger kung magkano ang ensaymada na inihain sa kanila sa naganap na meet and greet ng mga influencer at ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Malacanang nitong nakaraang Sabado.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni ‘The Political Labandera’ sa kanyang Facebook page na galing sa isang sikat na bakery ang mga kontrobersyal na ensaymada na nagsilbing pananghalian ng mga pro-BBM vloggers.

Matatandaan na naging isyu ang inihain na pagkain sa mga vloggers dahil sa tila hindi diumano tama na tinapay ang ihain sa mga ito lalo na sa oras ng tanghalian.

pbbm bloggers 1
Larawan mula kay Jose Raden Laurenio

Sa ibinahaging larawan ni Political Labandera ay aabot sa mahigit P900 hanggang P3000 ang halaga ng nasabing ensaymada depende sa laki nito.

Sa ilang larawan naman na ibinahagi sa social media ay makikita na hindi large ensaymada ang inihain sa mga vlogger kaya’t hindi ito aabot ng P3,000 kada dosena.

“Mga INGGITERANG PATAY-GUTOM, mantakin nyo na presyo nung Ensaymada fit for Malacanang! AYAN O! BUSUGIN NYO MGA MATA NYO SA PRICES!” sabi ng vlogger.

“Parang nakikinita-kinita ko na next kuda ng mga PG…na napaka ostentatious at hindi pang masa yung ensaymada na pinakain sa amin.” dagdag pa niya.

Maituturing naman daw na napakasarap ng nasabing ensaymada at ang ilan ay tinawag ito na isa sa mga ‘the best’ sa Pilipinas kaya sulit ang presyo nito.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Malacanang kung ano ang masasabi nila sa isyu na ibinabato sa kanila ngayon.

 

Facebook Comments