Home Celebrities Netizens, nagsumbong kay Claudine Barretto at Raymart Santiago sa gitna ng mga banat ni Mon Tulfo kay VP Sara

Netizens, nagsumbong kay Claudine Barretto at Raymart Santiago sa gitna ng mga banat ni Mon Tulfo kay VP Sara

0

Ilang netizens ang hindi mapigilan na magsumbong kay Claudine Barretto at Raymart Santiago sa gitna ng mga pambabatikos na ginagawa ng mamamahayag na si Mon Tulfo kay Vice President Sara Duterte.

Nitong Disyembre 12 ay kinuwestiyon ni Tulfo ang piniling kasootan ni Duterte sa Christmas Party nila sa Office of the Vice President.

“Di ginawa ng mga nauna kay Sara Duterte ang magsuot ng nakakatawang costume dahil ginalang nila ang puwesto ng pangalawang lider ng bansa. Sara should exercise a modicum of decorum befitting her position.” ani Tulfo.

mon tulfo 3
Larawan mula kay Ramon Tulfo/FB

Dahil dito ay maraming tagasuporta si Duterte na inalala ang isa sa mga pinakamalaking isyu na kinaharap ni Tulfo noong 2012 matapos itong pagtulungan ng dating mag-asawa na sina Claudine at Raymart sa isang airport.

claudine 1 claudine 2

claudine 3
Larawan mula sa FB

Matatandaan na noong 2012 ay sinugod ni Claudine at Raymart si Tulfo sa arrival area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Sa panayam sa kanya ay ikinuwento ni Tulfo kung bakit nga ba diumano nag-umpisa ang gulo.

Ayon sa kanya ay pinagsasabihan niya lamang noon si Claudine na huwag pagalitan ang isang airport staff.

Sinubukan niya rin itong kuhanan ng larawan ang pangyayari na naging dahilan diumano ng panunugod sa kanya.

“Noong nakita ko na minumura na niya ang pobreng babae na mangiyak-ngiyak, ipatatanggal daw niya sa trabaho, kinunan ko ng litrato ng cellphone. Gusto ko sanang sabihin na ‘Cool ka lang, iyan namang babae, wala namang kasalanang personal sa iyo bakit mo naman minumura,’” kwento ni Tulfo.

Noong nilagay ko ang cellphone ko sa vest ko… nakita nung si Raymart Santiago. Pilit niyang kinukuha ang cellphone ko. Sabi niya, ‘Bakit ka kumukuha?’ Magpapakilala sana ako kaya lang nung pilit na niyang kinukuha ang cellphone ko, tinulak ko siya sabi ko wala kang karapatan na kunin ang cellphone ko. Doon nag-umpisa ang kaguluhan,”  dagdag pa niya.

Itinanggi naman ni Claudine at Raymart ang kwento ni Tulfo.

Ayon sa kanila ay si Tulfo ang nag-umpisa ng gulo.

“Sabi nung friend namin kay Raymart, para may nagvi-video. Lumapit si Raymart. Ang pagsabi raw ni Raymart ‘Sir, ano hong ginagawa ninyo?’ Sabi raw sa kanya ‘Anong pakialam mo?’ Tapos sinuntok siya ni Mon Tulfo,” kwento ni Claudine.

“Noong lumapit ‘yung dalawang friends namin na lalaki, bigla na lang niyang pinagsususuntok at pinagsisisipa,” dagdag pa niya.

Facebook Comments