Malacanang nagpa-raffle ng laptop at iPhone pero vloggers pinakain lang ng ensaymada – Raissa Robles

Kahit ang mamamahayag na si Raissa Robles ay hindi mapigilan na maintriga sa nangyayaring isyu ngayon tungkol sa mga vloggers na sumusuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Matatandaan na binatikos ng ilang political bloggers ang naging pagtrato ng Malacanang sa mga vloggers na pinakain lang diumano ng ensaymada, croissant at juice sa meet and greet na ginanap nitong Disyembre 10, 2022.

Naganap ang nasabing pagtitipon sa parehong araw ng Christmas party ng Malacanang Press Corps na paboritong batikusin ng ilang Pro-BBM vloggers noong nakaraang kampanya.

Ayon kasi sa ilang mga sumusuporta kay Marcos ay may pinapanigan ang mga miyembro ng MPS at ang ilan dito ay ‘anti-Marcos’ kung ituring.

Ngunit sa isang post ni Raissa Robles ay tinanong nito kung totoo nga ba na namigay pa ng laptop at cellphone ang Malacanang sa mga miyembro ng MPS habang ang mga PBBM vloggers na araw araw nakikipagbardagulan para lamang maipagtanggol ang pangulo ay pinakain lamang ng ensaymada.

“Is it true that Marcos Jr. treated the Malacanang Press Corps to a full course dinner, and gave or raffled off laptops and iPhones in the spirit of Christmas; while pro-Marcos bloggers were invited to the palace and only got ensaimada and no goody presents?” tanong ni Robles.

318335358 10160537828139712 1170034305027664473 n
Larawan mula kay Raissa Robles

Kahit ang ilang bloggers ay hindi ikinatuwa ang mas magandang pagtrato ng Malacanang sa MPS kaysa sa mga PBBM vloggers.

“Dear PBBM vloggers and bloggers, Do you realize that PBBM thanked MSM? The very people, publications and networks that demonized him and his family?
Think about it!” sabi ni Edwin Jamora.

Pero may ilan naman na naiintindihan na hindi lahat ng sitwasyon ay kayang kontrolin ng presidente.

“Kung ako sa inyo, don’t blame the President. He is too busy and too important to take care of the details like what to serve. Don’t blame your fellow loyalists for complaining— Asan ang unity and you should always protect your Allies.” ani Krizette Laureta Chu.

“Blame the team that organized this. So they are made accountable. BBM rose to power again on the strength of his social media presence when other platforms didn’t give him time. To berate his supporters who have been there for him for such a long time and who complained for wanting to be recognized and appreciated better is unacceptable.” dagdag pa niya.

Facebook Comments