Bardagulan na! Sass Rogando Sasot may banta sa mga BBM bloggers: “Sino ba ang lumapit sa amin para suportahan si BBM!”

Hindi na nakapagpigil pa ang kilalang international relations expert na si Sass Rogando Sasot mula sa mga diumano’y umiintriga sa kanya na mga bloggers na nakasuporta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa kanyang post nitong Disyembre 12, 2022, binanatan ni Sasot ang mga BBM bloggers tinawag diumano siya at ang ilan pang mga influencer na sumusuporta kay dating pangulong Rodrigo Duterte na mga ‘oportunista’.

Binatikos din nito ang Office of the Press Secretary na may hawak diumano sa mga BBM bloggers.

318999965 1189165848650063 2493394037536647264 n

“Nakakatawa itong mga bloggers na tinatawag na oportunista raw ang mga DDS bloggers kaya sumoporta kay BBM, ang tawag sa amin “Pures. Please sino ba ang lumapit sa amin para suportahan si BBM? Sino ba ang lumapit — kami or sila?” in a derogatory way.” ani Sasot.

“Tigilan nyo yan. Dahil kapag ako magsalita eh baka malaman ninyo ang totoo. Nananahimik ako dito, idadamay ninyo ako? Pero kung gusto ninyong gulo, lalo na yang mga bloggers na hawak ng Office of the Press Secretary, KILALA KO KAYONG LAHAT AT TANUNGIN NINYO SA MGA KAUSAP NINYO SA OPS KUNG BAKIT, sabihin nyo lang dahil hindi ko kayo aatrasan.”

Si Sasot ang maituturing na isa sa mga pinakasikat na political blogger ngayon sa bansa at nag-umpisa ang kanyang career sa social media sa gitna ng administrasyon ni Duterte.

Matatandaan na nag-umpisa na batikusin si Sasot ng ilang mga BBM vloggers matapos nitong ibahagi kung paano noon itrato ni Duterte ang mga sumusuporta sa kanyang influencers.

Ito’y sa gitna ng kontrobersiya na bumabalot sa naging meet and greet ng mga BBM vloggers sa Malacanang kung saan ay pinakain lamang diumano ang mga ito ng empanada at juice.

Kinumpirma naman ito ng mga larawan na ibinahagi ng mga vloggers sa kanilang mga social media pages.

Facebook Comments