Loisa Andalio at Ronnie Alonte, tinawanan ang mga balita na may nakuhang pribadong video ang mga nagnakaw ng kanilang cellphone

Itinanggi ng celebrity couple na si Loisa Andalio at Ronnie Alonte ang ilang ulat na mayroong laman na pribadong video ang mga cellphone na nakuha sa kanila ng ‘Basag-Kotse’.

Matatandaan na nitong Nobyembre 30 ay naiulat na nakuha ng masasamang elemento ang ilang mahahalagang gamit nila Loisa at Ronnie kasama na ang ilang cellphone na kanilang pagmamay-ari sa loob ng kotse nila na nakaparada sa kahabaan ng Molino Road.

Sa panayam ng ABS-CBN ay ibinunyag ni Ronnie na nakuha rin ng mga kawatan ang cryptocurrency wallet niya.

loisa ronnie 3

Ngunit nang tanungin sila kung mayroon ba silang pribadong video na nakalagay sa mga nakuhang mga cellphone ay tinawanan na lamang nila ito.

“Wala po [kaming video]. Nakakatuwa talaga ang mga pinoy… Pinoy nga talaga tayo,” sabi ni Loisa.

Nagbiro na lamang si Ronnie na nasa baul niya ang hinahanap ng mga netizens.

loisa ronnie 2

Hindi naman masyadong dinadamdam ng celebrity couple ang nangyari sa kanila at nagpapasalamat pa nga sila dahil walang nasaktan sa kanila.

Sa ngayon ay wala pang update ang Bacoor City PNP kung nakilala na nga ba nila ang mga suspek.

Nitong Pebrero lamang ay nabiktima rin ang celebrity na si Gerald Anderson ng parehong grupo habang naka-park ang kanyang sasakyan sa Quezon City.

ronnie alonte loisa andalio scaled e1670784448826

Nagbigay naman ng tip ang mga otoridad kung paano makakaiwas na mabiktima ng nasabing grupo.

Ilan na dito ang hindi pag-iiwan ng kahit anong mahahalagang gamit sa loob ng sasakyan, paglalagay ng tint sa bintana at pagpapakabit ng alarm system.

Hinimok din ng mga otoridad na maging alisto sa mga nakapaligid sa pag-iiwanan nila ng kanilang sasakyan at tignan kung mayroong mga kahina-hinalang tao na minamanmanan o sinusundan sila.

 

Facebook Comments