Jovit Baldivino, nakitang tumutulo ang luha sa habang kinakausap sa gitna ng pagkaka-comatose nito

Ibinahagi ng girlfriend ng singer na si Jovit Baldivino ang mga huling araw nito sa ospital bago pumaw noong Disyembre 29 sa edad na 29.

Matatandaan na isinugod ito sa ospital noong Disyembre 3 matapos ang kanyang performance sa isang party sa Batangas City at simula noon ay hindi na ito gumising pa.

Nilinaw ni Camille Ann Miguel sa isang panayam na hindi nawalan ng malay ang kanyang partner sa gitna ng kanyang performance at nawalan lamang ito ng malay ng siya ay dalhin na sa ospital upang operahan.

camille ann miguel 3

Ayon sa kanya ay simula ng matapos ang operasyon ay hindi na ito gumising pa ngunit napansin nila na lumuluha ito habang sinusubukan nila itong gisingin.

“Hindi siya nagre-response nga eh pero ‘pag kinakausap ko siya, tumutulo ang luha niya,” 

Nilinaw niya rin na hinimok niya si Jovit na huwag ng kumanta sa nasabing party lalo na’t nagpapagaling pa ito dahil sa kanyang high blood pressure.

Makikita naman na sa ikatlong awitin na kinanta niya ay mapapansin na masama na ang pakiramdam nito.

camille miguel 1

Sa ngayon ay hindi pa alam ng pamilya Baldivino kung ano ang magiging susunod nilang hakbang.

Matatandaan na si Jovit ang ‘breadwinner’ ng pamilya niya at kahit bago pa man ito sumikat ay talagang tumutulong na ito sa kanyang mga magulang.

Sa edad na 12 pa lamang ay nagtitinda na ng siomai sa kalsada si Jovit upang mayroon siyang maiambag sa kanyang pamilya.

Nagkaroon naman ng kaginhawaan ang buhay nito ng manalo sa unang season ng Pilipinas Got Talent kung saan ay lumabas pa ito sa isang commercial.

 

Facebook Comments