Isang guro, ipinaintindi sa kanyang mga estudyante kung paano mag-budget kanilang magulang: “Hindi madaling kumita ng pera”

Isang guro sa ang pinaalalahanan ang kanyang mga estudyante na hindi madaling kumita ng pera ang kanilang mga magulang.

Sa ibinahaging video ng RPN DYKC Cebu, ipinaliwanag ng guro sa kanyang mga estudyante kung paano nga ba kumikita ang mga magulang nila para may maipantustos sila sa kanilang pag-aaral.

Ibinahagi nito ang computation ng sweldo ng isang magulang sa loob ng isang araw at kung paano nila ito pinagkakasya.

“It’s not easy to make money. The basic salary today is an average of 500 days, if there are four members in your family and you eat three times a day. It’s means the budget for a day is 12 heads,” sabi ng guro sa salitang Cebuano.

“If every meal is worth 50 pesos, the budget per day is 600 pesos which means that your parents’ salary is not enough. Tapos sasabihin niyo ‘si mama mayroon pang pera’ pero para ‘yon sa susunod na araw.

“Sinabi ng mama mo na ‘wala akong pera’ tapos nakita mo na may laman pa ‘yung wallet ng nanay mo, wag mong isipin na sinungaling siya kasi gagamitin niya ‘yung pera na yon para sa susunod na araw at kailangan niyo ng 600 para kumain.” dagdag pa niya.

Nakiusap ang guro sa mga estudyante na sana’y huwag silang hingi ng hingi sa kanilang mga magulang lalo na kung hindi naman malaki ang kanilang kinikita.

“Kaya naghihirap ang mga magulang niyo para madala kayo sa eskwela para magkaroon kayo ng mas maayos na trabaho at sweldo kaysa sa kanila,” sabi niya.

Sana rin daw ay hindi sila magtampo sa kanilang mga magulang dahil sa gusto lamang nila na mapagkasya ang kanilang pera.

Sa ngayon ay umabot na sa milyon milyong views sa social media ang nasabing video.

Facebook Comments