Arnold Clavio, may post tungkol sa ‘karma’: “Some people will regret why they treated you wrong”

Mayroong hugot ang mamamahayag na si Arnold Clavio sa kanyang social media page.

Sa kanyang Instagram post, nagbahagi ng isang quote si Clavio tungkol sa ‘karma’.

Ayon sa nasabing post ay darating diumano ang araw ng pagsisisi sa mga taong gumagawa ng mali sa kanilang kapwa.

“A time to come in your life when some people will regret why they treated you wrong. Trust me, it will definitely come,” sabi sa larawan na ibinahagi ng mamamahayag.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by AkosiiGan😎 (@akosiigan)

Hindi naman malaman kung mayroon bang pinapatamaan si Clavio sa kanyang post o wala.

Matatandaan na naging usap-usapan sa social media si Clavio dahil sa kanyang pambabatikos sa Maharlika Sovereign Wealth Fund.

Wala kasing tiwala ang mamamahayag sa isinusulong ng gobyerno na paggamit sa pera ng mga tao para palaguin.

“Mga nagbabalatkayo sa serbisyo publiko. Mga nakamaskara para sa interes daw ng mamamayang pilipino. Kay daling lustayin ang perang hindi mo naman kasi pinaghirapan.” aniya.

Hindi naman nagustuhan ng ilang netizens na sumusuporta sa kasalukuyang administrasyon ang mga pahayag ni Clavio.

Ilan sa kanila ay binabatikos ang mamamahayag dahil sa naging rebelasyon noon ng dating singer na si Sarah Balabagan na ibinunyag na nagkaroon sila ng anak.

 

Facebook Comments