Partner ni Jovit Baldivino, hindi napigilan magmura sa nangyari sa kanyang fiancé: ‘Magpapasko pa naman’

Hindi maitago ng partner ni Jovit Baldivino ang pagdadalamhati sa biglaang pagpanaw ng singer dahil sa aneurysm.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Camille Ann Miguel ang kanyang kalungkutan dahil sa magpapasko pa naman at wala na ang kanyang minamahal.

“Hindi ko Lubos maisip na makikita kitang andyan. Sobrang hirap ng sitwasyon kong ganto nangyare na ang d inaasahan P*t*ng *nan* Buhay to!!!mag papasko mag babagong tao mahal na mahal po kita Love ko,” sabi ni Miguel sa kanyang post.

Ilang netizens din ang nagbigay ng kanilang mensahe.

“Di rin poh aq mkapaniwala n wla n xa napakabata p nya kaso ganon talaga ang buhay ms camille idol q poh xa naiyak aq nung nanalo xa…pakatatag k poh isipin m nlng isa itong masamang panaginip,” sabi ni netizen Gamale Mae.

“Mhirap tanggapin ang ngyari….masakit sa dibdib…mg pktatag k po sissy camille…..alam ntin n msaya n sya ngaun at wala ng sakit .syang mraramdaman…” wika ni Jocelyn Gunsi.

Matatandaan na itinanggi noong una ni Miguel ang nangyari kay Baldivino at tinawag na ‘fake news’ ang balita ng ilang pahayagan tungkol sa sitwasyon ng kanyang fiance.

Ngunit nitong Disyembre 9 ay kinumpirma na nawalan nga ng malay ang singer matapos itong kumanta sa isang party sa Batangas kahit na nagpapagaling pa lamang ito sa kanyang high blood.

Sa ngayon ay binuksan sa publiko ang lamay para kay Baldivino na nakilala dahil sa kanyang mala-anghel na boses.

Bago ito makilala sa publiko ay nagta-trabaho na ito bilang isang siomai vendor upang matulungan ang kanyang pamilya.

Kaya naman hinahan

Facebook Comments