Nadine Lustre, may tweet matapos siyang tawagin na ‘mahina ang utak’ ni Rendon Labador

Biglang naging aktibo sa social media ang aktres na si Nadine Lustre matapos siyang makatanggap ng batikos dahil sa isang panayam sa kanya noong 2021 na matatandaang nag-viral muli dahil sa isyu na kinakaharap ng professional volleyball team na Choco Mucho Flying Titans.

Usap-usapan ngayon sa social media kung paano nga ba dapat tratuhin ng mga celebrities ang kanilang mga fans kapag nakasalubong nila ito sa publiko matapos ang diumano’y hindi pamamansin ng nasabing team sa mga sumalubong sa kanilang pagdating sa Boracay.

Isa sa mga binalikan ng mga netizens ay ang pahayag ni Nadine tungkol sa obligasyon nila bilang artista.

READ: Nadine Lustre sa tinawag siyang ‘suplada’: “It’s not our responsibility to acknowledge everyone”

“I think it’s also because people forget that we are also people, that we’re humans. That it’s not our responsibility to acknowledge everyone and to please everyone…Our responsibility is to give entertainment and that’s not a part of it.”

Hindi naman nakatiis ang motivational speaker na si Rendon Labador at tinawag na ‘mahina ang utak’ ang aktres.

“Okay lang naman kung hindi ninyo ma-greet lahat ng fans, ang MALI ay nag bibitaw pa kayo ng MALING STATEMENT sa public at proud pa kayo. Solohin ninyo nalang yung kat*ng*han ninyo para safe,” sabi ng internet celebrity.

Matapos magbahagi ng kanyang komento si Rendon ay nag-tweet naman si Nadine na tila binabatikos ang mga nagbabalita tungkol sa kanyang pahayag noong 2021.

“Please know that I don’t really care about all the bashing… If anything, it’s making me laugh. I hate hate seeing you guys affected and trying to clean up this bs,” ani Nadine.

“Shoutout din to everyone who’s quick to judge + make content about a subject without knowing the full context first. I hope y’all got the clicks u wanted. Enjoy,” dagdag pa niya.

May banat din ito sa mga platforms na nagsusulat ng balita tungkol sa kanya.

nadine lustre 1
Larawan mula kay @hello_nadine/Twitter

Inaasahan naman na gagawa ng vlog si Rendon tungkol sa banat niya kay Nadine.,

Facebook Comments