Mother Sitang, inalok na maging cast ni Darryl Yap sa kanyang susunod na pelikula: “Bring Pink Outfits’

Inalok ng kilalang direktor na si Darryl Yap ang Thai internet celebrity na si Mother Sitang upang maging parte ng kanyang susunod na pelikula.

Sa kanyang Facebook post, ibinahagi ni Yap sa mga netizens ang kanyang imbitasyon para kay Sitang na matatandaan na ilang beses naring pumunsa sa Pilipinas.

Naging meme din ito noong nakaraang halalan dahil sa pagkakahawig diumano nito sa isang kandidato na tumatakbo sa isang mataas na posisyon.

mother sitang 1

Utos naman ni Yap ay magdala ng damit na ‘pink’ si Sitang kapag pumunta ito sa Pilipinas.

“Hi Mother Sitang, I am a problematic director from the Philippines, may I invite you to have a cameo for my upcoming film that will be shot 2nd quarter 2023? you will have a very important role, please bring pink outfits. thanks.” sabi ni Yap.

Matatandaan na ang isa sa mga inaabangan na proyekto ni Yap ay ang tungkol sa buhay ni Benigno “Ninoy” Aquino Jr. na isa sa mga pinakamatinding karibal ni dating pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Hindi naman direkta na binanggit ni Yap ang magiging role ni Sitang kung sakali na pumayag ito ngunit madami ang sinubukan hulaan ito.

“Cant imagine len len will be portrayed by mader sitang! That would be hilarious!!! And the resemblance is uncanny!!!” sabi ni netizen Kendra Hendrickz.

Sinabi naman ng direktor na nagbigay ng maiksing tugon sa kanya si Sitang.

 

Facebook Comments