Mga vlogger na bumisita sa Malacanang, empanada lang diumano at juice ang ipinakain

Napuno ng kontrobersiya ang ginanap na meet and greet ng ilang mga vloggers sa Malacanang nitong Disyembre 10, 2022.

Ilang blogger sa social media ang binatikos ang nasabing meet and greet sa diumano’y pagtrato ng Malacanang sa mga internet celebrities na nakipagkita kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Isa na dito ay ang pagpapakain diumano sa mga vloggers ng empanada at juice sa pananghalian nila.

pbbm bloggers 1
Larawan mula kay Jose Raden Laurenio/FB

Ilan sa mga bumatikos dito ay ang bloggers na sina Pebbles Cunanan at Maharlika.

“They called for a meet and greet, ang pagkakaintindi ko kasi sa meet and greet is a party, pero may eksena inutusan sila ipaintindi daw sa mga tao ang Maharlika Fund, anong meet and greet yan?” ani Cunanan.

“Tapos ensaymada lang pagkain sa loob ng Malacañang makikinabang na rin lang naman kayo sa mga vloggers/bloggers di niyo pa hinandaan ng buffet like doon sa mga designers na DILAW na wala namang gawa. Hay naku, buti na lang hindi ako umattend baka nalait ko pa yang ensaymada, I don’t eat ensaymada at lunch juicemio.” dagdag pa niya.

Sa ngayon ay umani na ng iba’t ibang komento sa social media ang nasabing post.

318999965 1189165848650063 2493394037536647264 n
Larawan mula sa Facebook

Samantala ay sa gitna ng nasabing kontrobersiya ay ibinahagi ni Sass Rogando Sasot ang ala-ala niya noong magkaroon ng meet and greet ang mga vloggers kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Sass ay nakatanggap sila ng maayos na pagtrato noon mula sa mismong pangulo at personal pa nila itong nakasama sa iisang mesa.

“Yung meet and greet na nakipagkulitan sa presidente…trinatong maayos sa meet and greet, nakaupo kayo sa iisang lamesa, at dahil nag-enjoy syang kausap kami at nakikinig talaga sya, pina-extend nya hanggang nakaabot na kami sa kwarto nya sa Malacañang. Ang sarap ng feeling na hindi ka trinatong TOKEN lang. All happened in one day. He answered all our candid questions from De Lima, Leni, to foreign policy,” sabi ni Sasot.

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang Malacanang tungkol sa pambabatikos na natanggap nila.

Facebook Comments