Listahan ng mga celebrities na nakaranas ng brain aneurysm katulad ni Jovit Baldivino

Dahil sa pagkawala ng Pilipinas Got Talent first winner na si Jovit Baldivino ay naging usap-usapan muli sa social media ang karamdaman na tinatawag na ‘brain aneurysm’

Matatandaan na nitong Disyembre 3 ay isinugod sa ospital ang singer matapos itong mag-perform kahit na pinayuhan na ito ng doktor na magpahinga muna dahil sa kanyang mataas na blood pressure.

Limang araw na-comatose si Jovit at matapos nito ay binawian rin ito ng buhay.

Ngunit hindi lamang si Jovit ang celebrity na nakaranas ng kondisyon na ito na sinasabing isa sa mga karamdaman na napakababa ng tiyansa na makaligtas.

Ito ang listahan ng ilang celebrities na nakaranas ng brain aneurysm:

1. Fernando Poe Jr.

Fernando Poe Jr

Matatandaan na noong Disyembre 14, 2004 ay nagdalamhati ang buong Pilipinas matapos pumanaw ang Hari ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe Jr. dahil sa aneurysm.

Nangyari ito matapos ang kanyang pagkatalo sa kanyang pagtakbo bilang pangulo ng Pilipinas at marami ang naniniwala na dinamdam ng aktor ang pagkatalo niya na nagdulot ng matinding stress.

Ayon sa ulat ay nakaramdam ng pagkahilo ang pumanaw na aktor matapos itong makipag-inuman kasama ang kanyang mga kaibigan.

Hindi na nasagip pa ng mag doktor ang tinaguriang ‘Da King’.

2. Isabel Granada

Isabel Granada 1

Noong Oktubre 25, 2017 ay isinugod sa ospital ang aktres na si Isabel Granada na nasa Doha, Qatar bilang parte ng isang fan meet and greet session.

Agad naman na na-comatose ang aktres at idineklarang ‘brain dead’ na ng mga doktor.

Nitong Nobyembre 4, 2017 ay tuluyan ng binawian ng buhay ang aktres.

Kinumpirma na aneurysm ang ikinasawi ng aktres.

3. Julio Diaz

julio diaz 2

Noong 2016 ay nawalan ng malay ang beteranong aktor na si Julio Diaz matapos itong makaranas ng matinding pananakit ng ulo.

Kinumpirma na aneurysm ang naranasan ng aktor ngunit nakaligtas ito matapos ang matagumpay na operasyon sa kanya na nagkahalaga ng milyon milyong pisa.

Nakabalik naman ito sa kanyang trabaho bilang artista, ngunit noong 2018 ay nahuli naman ito ng mga otoridad dahil sa pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot.

Ayon kay Dr. Willie Ong ay ilan sa mga sintomas ng aneurysm ay pananakit ng ulo, biglaang panlalabo ng paningin, pagkahilo, pagsakit ng leeg at pagkalito.

Kaya naman umanong malaman kung mayroong aneurysm ang isang tao sa pamamagitan ng CT Scan at iba pang test.

Sinabi pa ng doktor na maraming tao ang mayroong aneurysm ngunit hindi nila ito alam dahil sa hindi pa ito pumuputok.

“In the whole world, around 3% has brain aneurysm. In the Philippines, with a population of 100 million, around 3 million have aneurysm, but they don’t know they have it. Around 15,000 to 30,000 will have a stroke due to brain aneurysm.” sabi ni Dr. Ong.

Sinabi ng doktor na ilan sa mga maaring makababa sa tyansa ng brain aneurysm ay ang pagbabawas sa pag-inom at pag-inom ng maintenance medicines kung mayroon silang high-blood pressure.

 

 

Facebook Comments