Julio Diaz, nakaligtas sa brain aneurysm na tumapos sa buhay ni Jovit Baldivino, Isabel Granada at FPJ

Nagdalamhati ang buong Pilipinas matapos ang biglaang pagpanaw ng 29-anyos na singer na si Jovit Baldivino.

Matatandaan na nitong Nobyembre 3 ay isinugod sa ospital si Baldivino matapos itong mawalan ng malay matapos ang kanyang performance sa isang party sa Batangas City at matapos ang ilang araw ay binawian narin ito ng buhay dahil sa brain aneurysm.

Ito rin ang kondisyon na kumitil sa buhay ng aktres na si Isabel Granada noong 2017 at ang nag-iisang ‘Da King’ na si Fernando Poe Jr. noong 2004.

Ngunit mayroong isang celebrity na nakaligtas sa aneurysm at siya ay ang action star na si Julio Diaz.

julio diaz 4

Ibinahagi ni Diaz sa isang panayam na noong 2016 ay isinugod siya sa ospital matapos manakit ang kanyang ulo.

Nalaman ng mga doktor na mayroon nga itong aneurysm kaya’t nagdesisyon sila na operahan ang aktor upang sa subukan na mapigilan ang paglala nito.

Binigyan na lamang ng 1 hanggang 2 araw na taning sa buhay ng doktor ang aktor kaya naman mabilis na nagdesisyon at lumikom ng pera ang pamilya ng aktor.

Umabot sa P2-M ang nagastos ng pamilya ni Diaz sa nasabing operasyon.

julio diaz 5

Inamin naman noon ni Diaz na gumagamit siya noon ng ipinagbabawal na gamot ngunit tumigil din siya matapos siyang atakihin.

Pero muli itong gumamit dahil diumano sa mayroon diumanong tumutukso sa kanya.

“Hindi ko rin maintindihan. May nagdadatingan na demonyo, natukso. Tumigil na ako talaga, it so happened na ganito. Natukso, tukso talaga.” sabi ng aktor.

Kaya naman marami ang netizen na nadismaya kay Diaz ng mahuli ito noong 2017 dahil sa ipinagbabawal na gamot.

Ayon kasi sa kanila ay tila sinayang ng aktor ang ikalawang buhay na ibinigay sa kanya.

Sa ngayon ay malaya na si Diaz at mayroon narin itong bagong proyekto kasama ang aktor na si Coco Martin.

Facebook Comments